"HINDI mo na kailangan humanap ng matitirhan. You can live here with me," sabi ni Derek kay Jella kinabukasan habang kumakain sila ng almusal na ang dalaga ang nagpumilit iluto. Para maiba naman daw at maranasan naman niyang pinagluluto himbis na siya palagi ang nagluluto para sa iba.
Napamaang sa kaniya ang dalaga. "What?"
"Let's live together," ulit niya. Namilog ang mga mata nito. Mabilis siyang nagpaliwanag. "Sa totoo lang ay sa gabi lang naman ako nandito at para matulog lang. Mula umaga hanggang alas dose ng madaling araw nasa restaurant ako. Kapag naman hindi ako ang nakatoka sa kusina lumalabas din naman ako. Bihira ako maglagi sa apartment na ito. Ikaw din siguradong magiging abala ka sa trabaho mo at sa pagabot sa pangarap mo. Tulugan lang naman ang kailangan mo, hindi ba? We can set rules that will make you comfortable. We can even share the rent if you want to."
Unti-unti ay nawala ang pagkagulat sa mukha ni Jella. Nakita niyang pinag-iisipan talaga nito ang sinasabi niya. "How about the bed? Are we going to share it too?" biglang tanong nito.
Hindi agad nakasagot si Derek. Nagkatitigan sila at napagtanto niya na hindi lamang simpleng pagtulog ang nais ipakahulugan ng dalaga. Lumunok siya at tumikhim. "I want to. Pero nasa iyo ang desisyon. I can always sleep on the floor if that will make you comfortable and safe to stay."
Biglang may gumuhit na ngiti sa mga labi ni Jella. "It's okay, Derek. Hindi kita patutulugin sa sahig. Gusto kong katabi ka sa kama. I want to sleep with you every night."
Napaungol siya at napayukyok sa lamesa. "Don't say it that way. Iba ang nagiging pakahulugan ko sa sinasabi mo," reklamo niya.
"Kung ano ang naiisip mong ibig kong sabihin, iyon talaga iyon," sagot ni Jella, may panunudyo na sa tinig.
Mariin siyang napapikit. Saka marahang nag-angat ng mukha hanggang sa makita na niya ang mukha ng nobya na kumikinang ang mga mata habang nakatitig sa kaniya. May init na humaplos sa dibdib ni Derek nang mapagtanto na ang mukhang iyon ang una niyang makikita sa bawat paggising niya sa umaga. Inabot niya ang kamay nitong nakapatong sa lamesa at inilapit sa kanyang mga labi. He kissed her left hand tenderly. "I love you," anas niya.
Kumurap si Jella at may dumaang emosyon sa mukha. Namasa ang mga mata nito at naging masuyo ang ngiti. Pagkuwa'y yumuko ito palapit sa kaniya at magaan siyang hinalikan sa mga labi. "I love you," ganting anas ng kanyang nobya.
Nagitla si Derek dahil iyon ang unang beses na sinabi nito sa kaniya na mahal siya nito. "Hindi ko sinabing mahal kita para mapuwersa kang sumagot na mahal mo rin ako."
Lumawak ang ngiti ni Jella at pinisil ang pisngi niya. "I know, silly. I just love you. At hindi ko ito sinasabi dahil lang patitirahin mo ako dito ha? Alam ko noon ko pa dapat sinabi pero hindi ako makakuha ng tiyempo. I love you. I will try to show you how much. Pero alam ko na kahit anong subok ko ay siguradong hindi magiging sapat para maipakita ang tunay na sukat ng nararamdaman ko para sa iyo."
Napaderetso ng upo si Derek pero hindi inilayo ang mukha sa dalaga. Inilapat niya ang isang kamay sa pisngi nito. "Ako rin. Kahit gaano ko subukang ipakita sa iyo kung gaano kita kamahal, sa tingin ko hindi sasapat. No words and actions can truly show the extent of my feelings for you, Jella."
Nagkatitigan sila. Pagkatapos ay para bang iisa ang isip na naglapit ang kanilang mga mukha at muling naglapat ang kanilang mga labi. Hindi na iyon magaan na halik. They are both too emotional at that moment for soft and light kisses. Ang halik na kanilang pinagsaluhan ay mainit at malalim. They explored each other's mouth; tasting, devouring and possessing each other like they never did before. Ang mga kamay nila ay humahaplos sa mukha ng isa't isa, paikot sa mga batok, hanggang sabay silang napatayo, umalis sa lamesa na nakapagitan sa kanila at mabilis na naglapat ang mga katawan.
Umungol si Jella. Derek groaned in response. He knew she's feeling his arousal against her stomach. Subalit himbis na lumayo ay pumaikot pa ang mga braso nito sa batok niya at lalong idinikit ang sarili sa kaniya. Bumaba ang mga braso niya paikot naman sa baywang nito. Lalong lumalim ang pinagsasaluhan nilang halik, naging mas mapusok.
Hanggang basagin ng malakas na tunog ng cellphone ang sandali. Sabay na lumayo sa isa't isa ang kanilang mga mukha sa pagkagulat. Napalingon sila sa kama kung saan nakapatong ang bag ni Jella na suminghap. "Ringtone iyan ng boss ko." Namimilog ang mga matang tiningala siya nito. "Anong oras na?"
Inalis niya ang isang braso sa baywang ng dalaga para tingnan ang oras sa wristwatch niya. "Seven thirty."
Tuluyan itong kumalas sa kaniya at biglang nataranta. "May appointment siya ng alas otso! I have to go." Tumakbo ito papunta sa banyo.
"Oh God. It's going to be always like this, isn't it?" ungol niya.
Napahinto si Jella, nilingon siya at bumaba ang tingin sa kandungan niya. Kinagat nito ang ibabang labi at bumakas ang panghihinayang sa mukha bago umangat ang tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. "Sorry."
Napailing si Derek at natawa sa sitwasyon. "It's fine. I can take it. Sige na, mag-ayos ka na. Baka mahuli ka sa trabaho."
Ngumiti ang dalaga. "I'll make it up to you tonight," pakindat na sabi nito at nag flying kiss pa bago tuluyang pumasok ng banyo. She didn't even bother to close the door properly, the tease.
Napailing siya pero napangiti rin. Alam niya na palaging uunahin ni Jella ang trabaho. Batid din niya na ang unang prayoridad nito ay ang katuparan ng pangarap. Pero wala iyong kaso sa kaniya. After all, Jella is at her most beautiful state when she's passionately chasing her dream.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)
RomansaJella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira sa kanyang career. Wala siyang choice kundi ang bumalik sa Pilipinas, kahit nangangahulugang kailanga...