Part 34

20.1K 520 5
                                    

DALAWANG cellphone ang halos sabay na tumutunog. Napaungol si Jella at naalipungatan. Kumilos siya patihaya sana subalit napahinto siya dahil may nakadagan na binti sa mga binti niya at may braso na nakayakap sa baywang niya. Dumilat siya at lumingon. Mukha ng natutulog na si Derek ang bumungad sa kaniya. He was hugging her spoon-fashioned. May init na humaplos sa puso niya at agad siyang napangiti. Na-miss niyang gumising sa umaga na mukha nito ang una niyang nakikita. Gusto niya sanang titigan ito ng matagal at manatili sa kama kasama ito, na kayakap ito –

Subalit patuloy pa rin sa pagtunog ang mga cellphone nila na maging si Derek ay umungol na at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Nang makita siyang nakatingin ay sumilay ang inaantok pa ngunit kuntentong ngiti sa mga labi nito. "Good morning," paos na usal nito.

Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ni Jella. God, he was so handsome.

"May tumatawag sa atin," anas niya pagkatapos tumikhim. Kumurap si Derek. Tumutunog pa rin ang mga cellphone. Sabay silang kumilos para abutin ang kani-kanilang gadget. Napabalikwas ng upo si Jella nang makitang agent niya ang tumatawag. "Kailangan ko ito sagutin. It's my agent," aniya at bumangon sa kama. Wala siyang saplot sa katawan kaya hinablot niya ang una niyang nakita sa sahig – ang polo na suot ni Derek kagabi. Saka niya sinagot ang tawag habang naglalakad palabas ng kanyang silid para bigyan din ang binata ng privacy na masagot ang tawag nito.

"Good news Jella, dear!" masiglang bati ng agent niya sa kabilang linya.

"What news?"

"There is already someone who will produce the fashion show for your latest collection. A lot of your clients are already excited. I booked a ticket to New York for you. I sent the details in your email. We are already starting the preparations now. Your staff is waiting for your return, Jella."

Alam niya na dapat siyang magtatalon sa tuwa. Masaya naman siya sa narinig na balita. Subalit may isang bahagi ng isip at puso niya ang nagkaroon ng alinlangan. Napatingin siya sa direksiyon ng kanyang silid kung saan naroon si Derek. Napahinga siya ng malalim at nagpaalam sa agent niya. Nang tapusin niya ang tawag ay bumalik siya sa silid na hindi na kasing saya nang magising siya kani-kanina lang.

Natigilan si Jella nang makitang nakababa na rin ang cellphone nito. Katulad niya ay seryoso na rin ang ekspresyon nito at nakatitig sa kawalan bago napatingin sa kaniya nang pumasok siya ng silid.

"Sino ang tumawag sa iyo?" tanong niya.

Nagtagpo ang kanilang mga paningin. Humugot ito ng malalim na paghinga bago sumagot, "Si Dina. Pinapaalala ang family dinner namin bukas. Jella, puwede ka bang sumama sa akin? Naayos natin ang isyu sa mga magulang mo. Gusto ko rin sana na maayos din ang isyu sa pamilya ko. Okay lang ba?"

May himig pakiusap ang tono nito. Na hindi naman dapat dahil siyempre papayag siyang sumama rito. Bumuntong hininga siya at mabilis na lumapit kay Derek. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi bago nakangiting tumango.

BATID ni Jella na galit sa kaniya si Dina at tiyak na hindi nito magugustuhan na kasama siya ng kuya nito sa family dinner ng mga ito. Subalit katulad ng pagharap ni Derek sa mga magulang niya sa kabila ng inaakala nilang pagtutol ng mga ito sa binata ay nakahanda rin siyang harapin ang pamilya nito. Maybe things will go better than they fear.

Ngunit pagdating nila sa bagay ng mga Manalili ay napagtanto niyang mali siya ng akala. Dahil naroon si Celestine. Dumating sila na masayang kausap ng babae ang mga magulang at kapatid ni Derek. Natigil ang tawanan ng mga ito nang mapalingon sa pinto kung saan kapapasok lamang nila ng binata. Bumakas ang pagkagulat ng lahat nang makita siya. Naramdaman agad ni Jella ang tensiyon sa paligid at mukhang ganoon din si Derek sapagkat naramdaman niya na ginagap nito ang kamay niya na para bang pinoprotektahan siya.

Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon