Napalingon sila nang marinig ang boses ni Derek. Halatang humangos papunta sa restaurant ang binata. Kunot ang noo na nagsimula itong humakbang palapit sa kanila. Nang sulyapan ni Jella si Dina ay nakita niyang namutla ito at nataranta. "K-kuya..."
"Anong sinasabi mo sa kaniya?" bakas ang disgusto na tanong ni Derek sa kapatid nang makalapit.
Nakaramdam siya ng simpatya para sa babae. Batid ni Jella na hindi nito gustong magalit si Derek. Kaya sumabad na siya. "Wala siyang sinasabi na hindi ko pa alam, Derek. Stop scaring your sister."
Sabay na napatingin ang dalawa. "Anyway, may oras ka ba? May gusto akong sabihin sa iyo kaya ako nandito," pag-iiba niya sa usapan.
Mukhang magpo-protesta si Dina at may palagay siyang balak siya nitong paalisin pero naunahan ni Derek magsalita. "Hintayin mo ako sa kusina, Dina."
"Kuya!"
"Go now," giit pa rin ng binata na hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Jella.
Inis na tinapunan siya ng tingin ng babae bago pabalang na tumalikod at deretsong nagtungo sa kusina. Saka lang umupo sa katapat niyang silya si Derek. Titig na titig pa rin ito sa mukha niya. Tinitigan din niya ang mukha nito, inaaninag ang mga emosyong nakita niya rito nang magtalo sila sa loob ng condo niya. Lihim siyang nakahinga ng maluwag na hindi na niya nakita ang mga iyon ngayon. Mas kalmado na ang binata kaysa kanina.
"Ano ang gusto mong sabihin sa akin?" basag nito sa katahimikan sa pagitan nila.
Pasimple siyang huminga ng malalim at mariing pinagsalikop ang kanyang mga kamay sa kandungan niya. Salamat sa table cover, hindi nakikita ni Derek ang mga iyon. "Gusto kong humingi ng tawad."
Halatang nagulat ito. Umawang kasi ang mga labi at nanlaki ang mga mata. Muntik na siya mapangiwi.
"I apologize for not telling you about my family. Siguro nabigla ka kanina kaya nagalit ka. Siguro na-offend ka na sa iba mo pa narinig ang tungkol doon. Patawad kung sinabayan ko ang galit mo kanina. Alam ko na may nasabi ako na insensitive. Alam ko na nakaraan na ang lahat pero mali pa rin na nagtaas din ako ng boses kahit alam kong concern ka lang sa akin. And I am sorry for all the selfish things I've done in the past. Hindi sa hindi ako nagkaroon ng pagkakataon humingi ng tawad noon. I was just too self-absorbed then to even think of apologizing."
Hindi pa rin natinag si Derek. Nakamaang pa rin sa kaniya. Humigpit ang pagkakasalikop ng mga kamay niya. Naiilang na siya. "Derek," pabuntong hininga na sita niya rito.
Noon lang ito natauhan. Dumeretso ng upo ang binata at tumikhim. "Well... hindi ko inaasahan na ang paghingi ng tawad ang gusto mong sabihin sa akin. I don't think you have things to apologize for."
Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. "O hindi mo inaasahan na hihingi ako ng tawad?"
Tipid na ngumiti si Derek. "Medyo lang. Wala sa karakter mo. At least if this is six years ago."
"Maybe I changed. Maybe I grew up," mahinang sagot niya.
Naging mainit ang ngiti ng binata. "You did." Nagkatitigan sila at bigla na lamang ay may init na humaplos sa puso niya at may bumara sa lalamunan niya. May panic na umusbong sa dibdib niya. Tumikhim si Jella at binawi ang tingin. "Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Aalis na ako."
Mabilis na kumilos siya at akmang tatayo subalit maagap na nahawakan siya ni Derek sa isang braso. "Sandali lang. May sasabihin din ako." Napilitan siyang umupo ulit at tingnan ang mukha nito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya pero himbis na bawiin ng tuluyan ang kamay ay dumausdos lang iyon pababa at humawak sa palapulsuhan niya. Hindi niya alam kung iniisip nito na tatakas siya o hindi lang nito mapigilan na hawakan siya.
"Gusto ko ring humingi ng tawad," seryosong sabi ni Derek. "Hindi ako dapat nagalit at nanumbat kanina. Hindi ko na dapat ungkatin pa ang nakaraan. I was just..." Bumuntong hininga ito at umiling. "Pasensiya ka na talaga sa naging reaksiyon ko. At kung ano man ang sinabi ni Dina sa iyo bago ako dumating, kalimutan mo na."
Tipid lang na ngumiti si Jella. Dahil hindi niya makakalimutan ang mga sinabi ni Dina. Hindi niya makakalimutan na sinaktan niya noon ang binata. Na tama ang kapatid nito. Hindi na niya dapat pang guluhin ang maayos na buhay nito. Wala siyang karapatang bumalik sa buhay ni Derek pagkatapos niya itong iwan at saktan noon.
If for some miracle he accepts her again, his family will never do anyway. Kung nangyari ito anim na taon ang nakararaan ay baka gumawa pa siya ng paraan para magkabalikan sila ni Derek. Walang pakielam sa konsekuwensiya o sa opinyon ng pamilya nito. Babalewalain ang sakit na idinulot niya rito noong naghiwalay sila. Pero hindi na siya ang twenty-two years old na Jella na puro kompiyansa at buo pa ang tiwala na lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Life taught her how wrong she was back then. Ngayon din, sa tuwing nakikinita niya ang binata na gaya ng inilarawan ng kapatid nito na dahil daw sa kaniya ay parang pinipiga ang puso niya.
Huminga siya ng malalim upang hamigin ang sarili. "Tinatanggap ko ang paghingi mo ng tawad. Kahit sa totoo lang, ang pagdala mo sa akin sa event ninyo kanina ay sapat na para sa akin. Ilang oras lang akong nanatili doon pero ang dami kong narealize. Ang dami kong nakalimutan na naalala ko na. Salamat at isinama mo ako," nakangiting sabi niya.
Gumanti ng ngiti si Derek at bahagyang pinisil ang palapulsuhan niya. "I'm glad for that."
Tumango si Jella. "Kaya nga nakapagdesisyon akong huwag sumuko. Susubukan ko ulit gumuhit gamit ang kaliwang kamay ko. At kung hindi talaga kaya, susundin ko ang payo mo na gamitin ang kanan kong kamay. At kung hindi pa rin, susubukan ko ang mga paa ko na katulad ng painter sa Tahanang Walang Hagdan. Susubukan ko ang lahat ng pwede kong gawin para magawa ulit ang career na mahal ko."
Naging mainit ang ngiti ni Derek at kumislap sa katuwaan at iba pang emosyon ang mga mata nito. "That's great. Kung naiinip ka na sa condo mo, bukas ang restaurant ko para sa iyo. You can draw as long as you want."
"Salamat." Kahit na hindi niya gagawin ang suhestiyon nito. Hindi niya gustong makita nito ang frustration at struggle niya sa tuwing gumuguhit siya ngayon. Dumeretso siya ng tayo at napasulyap sa direksiyon ng kusina. Nakita niya na nakasilip si Dina at Celestine sa kanila ni Derek. Katunayan ay maging ang staff ng restaurant ay nasa lamesa nila ang atensiyon.
Mabilis na ibinalik niya ang tingin sa binata. "Kailangan ko na talaga umalis."
"Okay," sagot nito at bantulot na inalis ang pagkakahawak nito sa kaniya. Tumayo siya at ganoon din ang ginawa nito. "Ihahatid na kita."
Umiling siya. "May isa ka pang bisita baka nakakalimutan mo."
"Ah." Mukhang nalimutan nga nito dahil biglang lumingon sa kusina ang binata. Nahuli nitong nakasilip sina Dina. "Oo nga pala."
Sa muling pagharap nito sa kaniya at dumeretso ng tayo si Jella, sinalubong ng tingin ang mga mata nito at ngumiti. "Goodbye Derek."
Napatitig ito sa kaniya. Tila may narinig sa tono niya. At dahil alam niyang tama ito ng dinig ay mabilis na siyang tumalikod at naglakad palayo bago pa magkaroon ng pagkakataon ang binata na magtanong o pigilan siya. Dahil ayaw niya magpapigil. Dahil ang gagawin niya ay ang tama.
Jella decided to get out of his life. Nagdesisyon siyang ituon na lamang ang lahat ng atensiyon sa pag-aayos ulit ng buhay niya. Sa pag-abot muli sa kanyang pangarap. Kahit pa ang tunay na rason kung bakit siya nagsisikap ng husto noon pa man ay hindi na niya makakamit pa. Maipanalo man niya ang hamon ng kanyang mga magulang noon, hindi na rin naman niya makukuha ang premyo niya.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)
RomansaJella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira sa kanyang career. Wala siyang choice kundi ang bumalik sa Pilipinas, kahit nangangahulugang kailanga...