Part 20

19K 439 15
                                    


Napatitig si Jella sa kamay niyang hawak pa rin nito. "It was actually so cliché I never thought it will happen to me. May isa akong staff na buntis. She was in her mid-thirties and it was her first child. At kung tama ang doktor niya ay ang huli niyang tiyansa para magkaanak. May tinatapos kaming trabaho para sa isang fashion show at sa mga ganoong araw ay war zone ang work station namin. Lahat nagmamadali, nagsisigawan, nagpapaunahan makapunta sa mga dapat puntahan. Nag-uusap kami habang naglalakad paakyat sa hagdan nang may mga tao namang patakbong bumaba. Nahagip siya sa balikat at nawalan siya ng balanse. Ang una kong naisip ay buntis siya at hindi puwedeng matumba. Bago pa ako makapag-isip ay naharang ko na ang kaliwang braso ko para hindi siya mahulog. Her body ended up crashing with my wrist instead. Pitong buwan na siyang buntis noon at malaki talaga siyang babae kompara sa akin. I almost sure I heard a bone breaking in my wrist that time. It hurt like hell but I tried my best not to show it. Ayokong mag-alala siya o kahit sino sa mga tauhan kong nakasaksi ng nangyari. Sinubukan kong bumalik sa trabaho dahil abala talaga kaming lahat ng araw na iyon. Pero nang hindi ko na talaga maigalaw ang kamay ko at lumalabo na ang paningin ko sa sakit ay nagpunta na ako sa ospital."

"Nagpaopera ka agad?" malumanay na tanong ni Derek.

Umiling si Jella. Isa iyong malaking pagkakamali na nahiling niyang sana ay hindi niya ginawa. "Hindi ako nakinig sa doktor ko na dapat na akong operahan agad. Ang naisip ko lang, iyong fashion show na magaganap tatlong araw mula noon. Hindi ako puwedeng mawala. Mas lalong hndi ako puwedeng magpakita sa madla na nakabenda ang kaliwang kamay ko. Kaya ipinagpaliban ko ang operasyon at iginiit na bigyan niya ako ng malakas na painkiller."

Nagsalubong ang mga kilay ni Derek kaya inunahan na niya ito. "Alam ko na isa iyong malaking kahangalan. Sinabi na sa akin ng doktor ko na aalisin lang niyon ang sakit pero hindi ang injury. That overusing my hand will only make the injury worse. Pero hindi ako nakinig at nagmatigas. I'm a few steps away from fulfilling my dream, you see? Alam ko na make or break ko ang taong ito. Maraming designer ang naging matagumpay pero ilang taon lang nagtagal. Apat o limang taon, nalalaos na sila dahil hindi na kasing ganda ng mga nauna ang mga disenyo nila. Kaunti lang ang tumatagal talaga sa industriya at lahat ng mga tao roon ay inaabangan kung makakalampas ako ng limang taon. Kailangan ko mag-effort ng husto. Iyon lang ang nasa isip ko. No injury will stop me. But I was wrong."

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. May pait sa kanyang mga labi na napatitig na naman siya sa kamay niya.

"Hindi pa naman huli ang lahat, Jella," maya-maya ay sabi ni Derek. Napaangat ang tingin niya sa mukha nito. "It's something you desired your whole life. Don't give up on it."

"Paano nga? Hindi na nga kaya ng kamay ko!" frustrated na bulalas niya.

"Kung hindi mo na magamit ang kaliwang kamay mo, then learn to use your right hand. Kung ang kanang kamay mo ay hindi mo na rin magamit, then learn to use your feet or anything to draw."

Umawang ang mga labi ni Jella pero bumikig ang mga salita sa lalamunan niya nang lumambot ang ekspresyon ni Derek at tipid na ngumiti. May kislap sa mga mata nito ang nagdulot ng kirot sa puso niya. Lalo na nang magpatuloy ito sa pagsasalita.

"Naghiwalay tayo noon dahil mas mahalaga para sa iyo ang pangarap mo. Don't just give up on it now. Dahil kung tatalikuran mo ng ganoon lang ang naging dahilan kung bakit mo ako iniwan, ano na lang pala sa iyo ang namagitan sa atin noon? Ano na lang pala ako sa iyo?"

Walang halong panunumbat o hinanakit ang tono nito. In fact he sounded affectionate. Na para bang magagandang alaala na lamang ang sumasagi sa isip nito kapag binabalikan ang naging nakaraan nila. Nahiling niya na sana ganoon din siya. Na katulad nito ay maalala din niya ang naging paghihiwalay nila na walang bumibikig sa lalamunan niya.

"Derek," usal ni Jella.

"Ang sinasabi ko lang ay hindi ikaw ang tipong sumusuko na lang, hindi ba? You are not a quitter," nakangiti pa ring sabi nito.

Napahugot siya ng malalim na paghinga. Saka niya napagtanto na mas magaan na ang kanyang pakiramdam ngayon kahit papaano. Dahil ba umiyak siya o dahil sa presensiya ni Derek? Marahil ay pareho. Sa tingin pa rin niya ay mas madaling sabihin kaysa gawin ang mga suhestiyon nito pero alam niyang sinsero ito nang sabihin ang mga iyon.

Tumayo na si Derek at napatingala siya nang marahan nitong higitin ang kanyang mga kamay upang tulungan siyang makatayo rin. "Ituloy na natin ang pag-aayos ng condo mo. Pagkatapos ay lumabas naman tayo para mamili ng groceries. Binyagan natin ang kusina mo."

Hinamig ni Jella ang sarili at tipid na ring ngumiti. "Okay. Dito sa kuwarto ko gusto ilagay ang tokador at ang bookshelf."

Tumango si Derek at dahan-dahang binitawan ang mga kamay niya. Lumabas ito ng silid at kahit nang sabihin niyang tutulong siya sa paghahatak ng muwebles ay tumanggi ito. May pakiramdam siya na iniingatan nito ang kamay niya.

Inabala na lamang niya ang sarili sa pagbubukas ng mga kahon na bitbit niya nang umuwi siya ng Pilipinas. Ang mga iyon lamang at ang maleta niyang may mga damit at personal na gamit ang kanyang dala. Inilalapag na niya sa sahig ang mga laman niyon nang maitulak na ni Derek sa loob ng kuwarto niya ang bookshelf. Napalingon siya rito. "Iyan ang inuna mo? Good."

Napatingin ang binata sa kaniya at natigilan nang matutok ang tingin sa mga nakalapag sa sahig na ngayon ay nakapalibot na sa kaniya. "Iniisip ko kung ano ang laman ng mga dala mong kahon. Libro lahat ang laman ng mga iyan?"

"Of course." Binitbit niya ang isang patong ng mga paborito niyang libro at tumayo para ilagay sa bookshelf. Natutok sa mga iyon ang tingin ni Derek at nagulat. Napahinto siya. "What?" kunot noong tanong niya at protective na niyakap ang mga libro.

"You're reading that author?"

"Yes, I'm reading Kelly Hart. She's my favorite. I love that her books are erotic and dark yet emotional and intriguing. I love that her stories are realistic and doesn't necessarily have typical happy endings." Humigpit pang lalo ang yakap niya sa mga libro. Naningkit ang mga mata niya. "Bakit? Hinuhusgahan mo ba ako sa librong gusto kong basahin?"

Kumurap si Derek. "Of course not."

"E bakit ganiyan ang mukha mo? Parang may gusto kang sabihin na hindi ko mawari."

"Well..." Tumikhim ito. Maya-maya ay nakita niya sa mukha ng binata na tila may naisip itong ideya. Ngumiti pa ito. "Jella."

"Ano?" defensive na tanong niya.

"Wala ka namang gagawin sa mga darating na araw hindi ba? Alam mo kasi may monthly charity event ang mga residente sa tinitirhan ko. Hindi ko pa lang alam kung ano ang event ngayong buwan pero sumama ka sa akin. Mag-e-enjoy ka. Sigurado ako."

"Bakit bigla mo naman akong inaya?" duda pa ring tanong ni Jella. Libro lang ang pinag-uusapan nila, hindi ba?

Kuminang ang mga mata ni Derek. "Gusto ko lang na lumabas ka."

Malakas pa rin ang kutob niya na may hindi sinasabi sa kaniya ang binata. Subalit sa huli ay napapayag din siya. Mukhang interesante naman ang gusto nitong puntahan niya. Bukod sa gusto rin naman niyang lumabas at magpunta sa kung saan na hindi siya kilala. Kailangan niyang makisalamuha sa mga tao na hindi hinihintay kung kailan siya babagsak na katulad ng mga tao sa homecoming party niya o ng mga nakakasalamuha niya sa New York.

Baka sakaling may maalala at maramdaman siya ulit na nawala sa kaniya dahil masyado siyang nakatuon sa paghabol sa ambisyon niya. Maybe, something will change.

Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon