Part 32

18.8K 505 20
                                    

KINABUKASAN ay nasa tapat na ng higanteng gate ng Perez Mansion sina Jella at Derek. Nang humimpil ang sasakyan ng binata sa tapat niyon ay napansin niyang natigilan ito at napatitig sa apat na palapag na magarbong tahanang kinalakihan niya. Nang tila makabawi ay lumabas ito ng kotse, umikot sa panig niya at pinagbuksan siya ng pinto. Hindi nag komento at nang magkatinginan sila ay ginawaran siya ng normal na mainit nitong ngiti. Saka siya inalalayan na bumaba. Doon na lamang nila sa labas iiwan ang sasakyan kaysa ipasok iyon sa garahe. Just in case hindi siya pakinggan ng mga magulang niya at palayasin sila agad.

Sa naisip na iyon ay nanlamig na naman sa kaba si Jella pero agad niya iyong pinalis ang itinaas ang noo. Nakapagdesisyon na siya kaya paninindigan niya.

"Miss Jella? Ikaw ba iyan?!"

Napalingon sila ni Derek sa tinig na iyon. Lumambot ang puso niya nang makita ang matandang babae na nabitawan ang mga pinamiling grocery. May kasama itong dalawang nakababatang babae na nakasuot ng maid's uniform. "Nana Ising," bulalas ni Jella kasabay nang pagkilos ng kanyang mga paa palapit sa matandang patakbo namang sumalubong sa kaniya.

"Miss Jella!" umiiyak pero masayang bulalas ni Nana Ising nang magyakap sila. "Naku, ang alaga ko, nagbalik ka."

Gumanti siya ng mahigpit na yakap at pinigilang maluha rin. "Yes, nana. Sorry po kung kahit kayo hindi ko nagawang kontakin mula nang umalis ako."

"Basta maayos ang lagay mo anak, iyon lang ang mahalaga sa akin."

Matagal bago sila nahimasmasan dalawa. Nang magkalas sila ay agad na ipinakilala niya sa matandang babae si Derek. "Boyfriend ko po nana. Derek, siya si nana Ising, ang nag-alaga sa akin mula pa noong baby ako. Magulang ko rin siya."

Nakatingala si nana Ising sa binata, may rekognisyon sa mukha. "Siya rin ang nobyo mo noon, hindi ba?"

Ngumiti si Jella at tumango. Wala man siyang mga kaibigan noon at ngayon subalit lahat ay nasasabi niya sa kanyang minamahal na nanny. Lumapit si Derek sa matanda at nakangiting nagmano. Nakita niya sa mukha ni nana Ising na lumambot ang puso nito sa naging aksiyon ng kanyang nobyo.

"Pumasok kayo sa loob. Nasa bahay ang mga magulang mo, anak," anito nang ibalik ang tingin sa kaniya.

Kumabog ang dibdib niya pero tumango. "Gusto kong makipag-usap sa kanila."

Nakakaunawang tumango si Nana Ising. Pero sandaling tinapunan ng nag-aalalang tingin si Derek. "Hindi lang magandang ideya na magpakita ka sa papa mo na may kasama ka."

Tumiim ang mga labi niya at dumeretso ng tayo. "Oras na para tanggapin nila kung sino ang taong napili ko na makasama, nana." Naramdaman ni Jella na natigilan si Derek sa sinabi niya pero hindi niya ito nilingon. Hindi man niya ito nakikita ay alam na niya kung ano ang mga tanong na naglalaro sa mukha nito.

Bumuntong hininga an matandang babae, ngumiti at pinisil ang kanyang mga kamay. "O siya sige. Halina kayo sa loob."

Sinamahan sila ni nana Ising hanggang sa malawak na living room at pinaghintay sandali doon bago umakyat sa grand staircase para tawagin ang mga magulang niya. Tahimik sila ni Derek at nang lakas loob niyang sinulyapan ito ay sa mukha niya nakatuon ang titig nito. Sumikdo ang puso ni Jella nang makita niya sa mga mata ng binata na napagtatagni-tagni na nito ang katotohanang hindi niya sinabi rito noon. Subalit gentleman lang talaga para buksan ang paksa na iyon ngayong hindi akma sa lugar at pagkakataon.

Napalis ang tingin nila sa isa't isa nang madinig na nila ang mga yabag mula sa itaas ng staircase. Nanlamig siya at nakuyom ang mga kamao sa pagtatangkang kalmahin ang mabilis na tibok ng puso niya nang sa wakas ay makita na niya ang kanyang mga magulang. Naglalakad ang mga ito pababa ng hagdan kasama si nana Ising. Naramdaman ni Jella na bahagyang dumikit sa kaniya si Derek, tahimik na nagbibigay ng emosyonal na suporta.

Hindi tumitingin sa kaniya ang mga magulang niya habang naglalakad at nang makalapit sa kanila ay saka lang nagsipag-angat ng tingin. Napakurap si Jella at na-disorient nang ang una niyang makita ay ang naluluhang mga mata ng mama niya. Napakalayo sa ekspresyong natatandaan niya noon na palaging nakataas ang noo at mukhang matapobre. Ang dati ring mukha nito na alaga ng isang sikat na dermatologist at wala ni isang bahid ng linya ay mayroon ng wrinkles na para bang ginugugol nito ang bawat araw na nakalukot ang mukha sa pag-aalala. Ang kanyang ama naman ay bagaman walang ekspresyon ang mukha at nakatiim ang mga labi ay mukha ring tumanda.

Huminga siya ng malalim at lumunok. "Papa, mama. I... I'm home," anas ni Jella sa kabila ng bara sa lalamunan niya. Marami pa siyang gusto sabihin pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Kaya sa huli ay isang taos-pusong mga salita na lamang ang kanyang sinabi, "I'm sorry."

Biglang kumilos ang kanyang ina. Dinunggaban siya nito ng yakap na sa labis na higpit ay hindi na siya nakahinga. "Jella, love, we're sorry too. Sorry," umiiyak at paulit-ulit na bulalas ng kanyang ina. "We were too harsh on you. But believe me when I say that all this time, we thought everything we do and say was for your own good. Iniisip namin na masyadong matigas ang ulo mo kaya hindi ka sumusunod sa amin. Pero sa nakaraang anim na taon na hindi ka namin nakikita ni nakakausap ay torture sa amin ng papa mo. We realized that you are not the only hard-headed person in our family. Pasensiya ka na anak at hinayaan ka namin malayo sa amin. We regretted it everyday since you've been gone."

Uminit ang mga mata ni Jella at marahas na umiling. Akala niya dati kapag ang mga magulang niya ang unang nagpakumbaba at sumuko ay makakaramdam siya ng tuwa. Mali siya. Seeing her mother cry is breaking her heart. "No, mama. Ako ang may mali. Akala ko dati pinapahirapan niyo lang ako at minamanduhan. Na wala kayong pakielam sa akin at ang mahalaga sa inyo ay ang image ng pamilya natin at magpayaman ng husto. Ang immature ko noon. Selfish. Hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo. Sorry po dahil hindi ako nakikinig sa inyo dati. Sorry na umalis ako na hindi lumilingon at hindi nagpakita sa inyo sa nakaraang mga taon."

Humigpit ang yakap ng kanyang ina at ganoon din siya. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang nagpupunas ng luha si nana Ising habang ang kanyang ama ay nakayuko. Mukhang galit ang matandang lalaki katulad noong nakita niya ang mga ito sa restaurant. Pero ngayon ay napagtanto niya na hindi galit ang papa niya. Sinusubukan nitong kontrolin ang mga emosyon kaya lumalabas na indifferent na halos galit. Naisip ni Jella na sa katangiang iyon ay mag-ama nga sila. Katunayan, maging ang mataas na pride ay dito niya namana.

Nang sa wakas ay nagkalas sila ng kanyang mama mula sa pagkakayakap ay saka nag-angat ng tingin ang papa niya. Nanginig ang mga labi niya nang magtagpo ang mga paningin nila. "Papa... sorry na naging sutil na anak ako," garalgal na anas niya.

Himbis na magsalita ay ibinuka ng kanyang ama ang mga bisig para sa kaniya. Namasa na naman ang kanyang mga mata at mabilis na pumaloob sa mga bisig nito. Mahigpit na nagyakap sila ng papa niya at narealize niya na ang huling beses na ginawa nila iyon ay noong ten years old pa siya.

"As long as you as healthy and happy, that is enough," tipid na sagot ng kanyang ama. Subalit nasa maiksing pangungusap na iyon ang pagmamahal at iba pang mga emosyong malamang ay kinimkim nito sa mahabang panahon. And forgiveness, she heard it in his voice too.

May mabigat na nakadagan sa dibdib niya ang nawala. Nakahinga siya ng maluwag at uminit ang kanyang pakiramdam na para bang nakabilad siya sa pang-umagang araw. Iyong init na masarap sa pakiramdam at nakakapagbigay ng ngiti sa kanyang mga labi.

Humigpit ang yakap niya sa kanyang ama at parang batang umiyak.

Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon