ZENAIYA ERIS
Magkasalubong ang kilay ko habang tinatahak ang daan papunta sa isang bahay. Maraming tao ang nakapalibot doon at nakisisilip sa magulo at sira-sirang pader no'n. Malamig ang hampas ng hangin at sumisilip na ang haring araw. Ang aga-aga pero ang dami nang tao sa paligid. Kahit late na mga natulog, maaga pa ring gumigising ang mga ito.
Nang makita ako ng mga tao, agad silang nagbigay daan para sa'kin. Rinig na rinig ang bulungan dahil sa masaklap na sinapit ng isang pamilya. Kahit madalas 'tong mangyari, hinding-hindi talaga kami masasanay. Nasa mukha nila ang takot at pangamba. Mga simpleng pag-iling dahil naaawa at hindi makapaniwala.
"Narinig ko ang sigawan kagabi. Kaso natakot akong madamay kaya hindi na ako nakalabas at nakahingi ng tulong para sa kanila," saad ng isang ginang. Saglit ko siyang sinulyapan at dahil sa sinabi niya, gusto kong mapailing.
Iba talaga ang nagagawa ng takot. Tinatanggalan tayo no'n ng paki sa kapwa. Ginagawa tayong duwag at bingi. Bulag at pipe. Pati ang alam nating tama, nagagawa nating talikuran at kalimutan.
Huminto ako sa tapat ng pinto ng bahay. Sa bungad no'n, nakasalampak ang malamig na katawan ni Ate Gina. Hindi naman kalayuan mula sa pwesto niya, makikita ang bangkay ni Kuya Arnold. At paniguradong nasa loob ang mga anak nila na hindi rin nakaligtas sa karahasang nangyari.
Nagtagumpay na naman sila.
"Maraming nakarinig ng sigawan at paghingi nila ng tulong. Pero natakot na lumabas at tawagin ka. Bukod sa sobrang lalim na ng gabi, malayo-layo kasi ang tirahan mo mula rito. Ayaw nilang sumugal," saad ni Kuya Rico saka tumabi sa'kin. Ang paningin namin ay nasa katawan ni Ate Gina. Nakadilat pa ang mata niya at bakas na ang nangingitim na ugat sa leeg at mukha. Pati ang labi ay nangingitim na rin. "Hindi na talaga tayo ligtas dito sa labas."
Humugot ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan na unti-unting maging lupa ang katawan nila. Tuluyan na silang naging katulad ng mga demonyong 'yon.
"Do you all have weapons?" I asked him. I can't always save everyone. They should learn how to fight. For their own safety. We can't bring down those demons if they are depending on me, if they are always waiting for someone to save them.
"Konti lang sa'min ang may mga armas."
"Tell them to always be on guard, always be prepared. We don't know when they will attack and who they will attack."
I can't be with them forever. I still have my own responsibilities I must focus myself on. And I want them to learn how to fight on their own before I leave them. We don't know when these will stop or if it will even stop.
"Hindi sa lahat ng oras, narito ako," mahinang saad ko, sapat para marinig niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang bahagya niyang pagtango at pasimpleng pagbuntong hininga.
"Paniguradong dadanak ng maraming dugo rito 'pag bumalik ka na sa kaharian mo."
Tuluyan ko siyang hinarap. "Kaya kailangan niyong matutong lumaban. Para sa sarili niyo."
---
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...