ZENAIYA ERIS
Tawa nang tawa sina Cha at Kirsten habang hinahabol ang hininga nila. Katatakbo lang namin mula sa bahay dahil tinakasan namin ang mga kaibigan nila. Kukuha kami ng mga prutas sa gubat at gusto kaming samahan ng tatlong 'yon dahil delikado raw. Hindi naman pwede na pati si Leigh ay dalhin namin kaya nag-presinta ako na ako na lang, pero hindi pa rin sila pumayag. Natagalan sila sa pagtatalo kung sino-sino ang kukuha hanggang sa matapos ang usapan na ako at si Stone ang kukuha.
Pero dahil hindi talaga sang-ayon ang dalawang 'to at ang unang plano talaga ay sila ang sasama sa'kin, bigla na lang nila akong hinila palabas.
"Masusundan din naman nila tayo kung gugustuhin nila," saad ko. Sinundan din nila ng tingin ang mga footprints namin.
"Tara. Bilisan na natin," pag-aaya ni Kirsten at nakangiti pa ring naglakad.
Hindi na kami masiyadong lumayo at pinili na lang na magtiis sa iilang puno na may mga prutas.
"Kailan kayo babalik?" tanong ko habang pinipili ang mga prutas na hawak ko. Sabay silang napatingin sa'kin.
"Hindi pa namin alam eh," sagot ni Cha at bumakas ang hiya sa mukha. "Nakakaistorbo na ba kami?"
Napatigil ako sa pamimili at napatingin sa dalawa. Sa totoo lang, hindi sila naging sagabal hindi katulad ng inisip ko noon. Saka malaki ang natutulong nila sa mga tao rito.
Umiling ako. "Nope. Not at all." Pareho silang napangiti.
Natuwa ang lahat nang malamang narito sila sa labas at makitang tumutulong sila. Tila nagkaro'n sila ng pag-asa dahil sa mga 'to.
"Ilang taon ka na ba, Zen?" tanong ni Kirsten habang dinadampot ang mga prutas na nahulog niya.
"Nineteen."
Natigilan sila at sabay na napatingin sa'kin. "Pare-pareho pala tayong tatlo. Hindi ka na rin pala pwedeng magtagal dito." Bumakas ang lungkot sa mukha ni Cha.
"Honestly, naisip naming sana pala mas maaga ka naming nakilala," sabi ni Kirsten saka ngumiti sa'kin.
Tumango-tango si Cha bilang pagsang-ayon. "Gusto ka pa naming makilala pero ilang buwan na lang, magiging busy na tayo."
Nagpatuloy sila sa pangunguha at pamimili ng mga fresh pa na prutas habang pinanonood ko sila. Hindi ko alam na kahit hindi gaano kaganda ang pakikitungo ko sa kanila ay ganito pa rin ang iniisip nila. Hindi naman kasi lahat, natutuwa at komportable sa'kin.
"Tara na," pag-aaya ko nang sa tingin ko'y sapat na ang nakuha namin.
Habang naglalakad, kinwentuhan nila ako tungkol sa kanilang magkakaibigan. May nabanggit silang pangalan ng isang babae at ng isang lalaki pero tanging ang pangalang Batas lang ang natandaan ko. Base sa pagkakaintindi ko, sobrang close nila pero nagtaka lang ako na kulang sila sa kwento nila. Lima sila rito sa labas, may nabanggit sila kaninang dalawa pa, sino 'yong isa? Hindi ba't walo sila?
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...