Chapter Thirteen: A Message from R

2.1K 70 7
                                    

ZENAIYA ERIS


Si Stone at Wind ang naabutan ko sa kusina nang lumabas ako. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan kanina. Ngumiti sa'kin si Wind saka bumati habang ang kasama naman ay nanatili lang na pinanonood ang mga galaw ko. Kumuha ako ng tinapay at tubig saka umupo sa isang upuan. Tahimik sila pareho habang nakatingin sa'kin. Hindi ko na lang pinansin.


Hindi ako mapakali. Ewan ko kung dahil ba sa masiyadong tahimik at wala pang inaatake ngayon o kung may mangyayaring kakaiba. Hindi ko alam kung napa-paranoid lang ako pero ramdam ko talagang parang may mali. Pagkatapos ng pag-atake kahapon ng mga nilalang mula sa Fallen City, wala nang umatake pa kahit na demonyo. Hindi sa hinihiling kong may umatake, pero kahina-hinala na hanggang ngayon ay wala pa rin talaga.


"Okay ka lang?" nilingon ko si Stone na deretsong nakatingin sa mata ko. Minsan talaga, nakikita ko sa kaniya ang kakambal niya. Ang kaibahan lang naman, siya, may nunal sa ilalim ng kaliwang mata habang si Pi, may dalawang hiwa sa kaliwang kilay. Saka mas halata sa aura at postura ni Stone ang posisyong meron siya. Habang punong-puno ng kalokohan at kapilyuhan ang baliw niyang kakambal.


"Kanina ka pa nakatulala, Zen," saad ni Wind.


Umiling ako. "Nasaan ang iba?" Pag-iiba ko sa usapan. Nginuso naman ni Wind ang labas bilang sagot.


Muling natahimik kaya sinimulan ko nang kumain. Hindi naman nagtagal at tumayo na sila at lumabas para puntahan ang iba. Sinandal ko ang likod ko saka napabuntong-hininga. May mali talaga eh. Ramdam ko.


Mababaliw ako sa kakaisip eh. Bwisit. Kailan ba matatapos 'to?


Tumayo rin ako at sumunod sa kanila sa labas. Naabutan kong gumagawa ng snowman si Leigh habang tinutulungan siya nina Cha at Kirsten. Iniwan ko na ang espada ko sa loob. Tanging punyal at mga baril ko lang ang nasa akin. Nilibot ko ang tingin at katulad sa mga normal na araw, walang ibang tao sa labas.


Humarap ako sa direksyon ng gubat. Tahimik at walang kahit na sino o ano ang makikita sa loob. Kahit mga hayop, wala. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni Stone at paglapit sa'kin. Huminto siya sa tabi ko at pinagmasdan din ang loob ng gubat.


"Something's gonna happen."


Bahagya kong tiningala si Stone. Seryoso ang mukha niya habang malayo ang tingin. Ramdam niya rin. Malakas din ang pakiramdam ng isang 'to. Bumaba ang tingin niya at sinalubong ang mata ko.


"Don't get hurt. Marami ka pang aalamin," pagkatapos sabihin 'yon, tinalikuran na niya ako. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang mapatingin kaming lahat sa langit.


Maraming dragon ang lumilipad sa himpapawid. Mga dragon mula sa Dark Kingdom at mukhang dederetso sa kabilang kaharian. Habang palapit sila nang palapit, palakas nang palakas ang ungol ng iba sa kanila. Iba't-iba ang kulay pero pare-parehong malalaki.


"Shit," mahinang mura ko nang nasa ibabaw na namin sila at biglang magbago ng direksyon.


Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon