Chapter Nine: Conflict Between the Valerama Twins

2.1K 85 1
                                    

ZENAIYA ERIS


Patuloy silang nagsukatan ng tingin. Saka ko lang napuna ang pagkakahawig nila. Ano bang meron? Magkaaway ba ang dalawang 'to? Parang handa sila pareho na magpatayan ngayon mismo.


"You haven't changed a bit, Pierre. Mukha ka pa ring basura."


I crossed my arms as I observe them. Hindi alam nina Cha ang gagawin para pigilan ang dalawa habang tila nakalimutan nilang nasa paligid kami.


"Why are you here, huh? Magpapakabayani ka, mahal na prinsipe?" Bumakas ang galit sa boses ni Pi. "Tapos ka nang magtago sa anino ng hari't reyna?"


"Still bitter, eh? When will you move on?" Napangisi si Stone habang tila naiinis pa rin. "Don't blame it to me kung mas mahalaga ako sa ama't ina natin. Because you are nothing but a piece of trash, Pierre."


What? Magkapatid sila? Nabalik ang tingin ko kay Pi. At prinsipe rin ang lalaking 'to? Mas tumalim ang mata nito habang nakatingin kay Stone.


"Pinahahalagahan ka nila dahil sa kakayahan mo. But you are nothing without that power of yours, Stone. You can't even fight the way I can using just weapons! Pero kung wala 'yan sa'yo, you are nothing. You can't do anything!" Tuluyang tumaas ang boses niya.


Nagtangka pang lumapit si Stone pero agad siyang hinarangan ni Silver habang si Wind naman ang humarang kay Pi.


"Guys. Tama na," kalmadong saad ni Kirsten habang nakaharang sila sa pagitan ng dalawa.


"You know what, Pierre? They just trained you how to fight using different types of weapons for you to be able to defend yourself." Dinuro-duro niya ang kapatid habang pinipilit na lumapit dito. "Kasi ano bang magagawa ng Morne mo? Nothing, Pierre. Nothing. They focused on training you dahil kailangan mo."


"Stone, calm down." Pilit na nilalayo ni Silver ito pero patuloy siyang lumalapit at para bang walang naririnig.


"Guys, 'wag dito. Ano ba, nakakahiya." Tumayo na rin si Cha at lumapit sa dalawa.


"Don't overestimate yourself, Stone." Tinulak niya palayo ang kamay ni Wind na pilit siyang pinalalayo. "I can kill you without you knowing it, using every weapon I know."


Tumayo ako at napatingin naman sa'kin ang apat na pumipigil sa dalawa. "Enough," madiin kong saad.


"Then do it. Fucking do it, Pierre Dem Valerama." Muli niyang nginisian ang kapatid nang nanatiling nakatingin lang sa kaniya ito. "You can't do it, can you? Because you're weak."


"I am not a weakling, asshole! You are! Baka nga pinahahanap ka na ng ina mo dahil hindi mo kakayanin ang nangyayari dito sa labas."


"Enough," pag-uulit ko habang naiinis na dahil sa naririnig.


"And you think that you are almighty now just because you survived here alone? Tumakas ka sa'tin kasi binabalewala ka ng lahat. You ran away because you are a coward!"

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon