Chapter Twenty-Three: The Reason Behind

1.7K 75 19
                                    

ZENAIYA ERIS


"A visitor or a trespasser?" tanong ng reyna habang nakatingin sa'kin. Prenteng nakaupo sila ng hari sa kanilang trono. Nakapalibot sa'min ang mga kawal na kapwa mga nakahanda ang armas.


Am I that threatening? May power concealer na ngang nakakabit sa'kin eh. Paano ko na naman kaya ito matatanggal?


"A trespasser, obviously," I answered. 'Yon naman ang gusto nilang marinig eh. Saka may visitor ba na parang isang kriminal kung ituring? Whatever. Mabuti at hindi nila kinuha ang mga armas ko dahil magwawala talaga ako rito.


"Don't worry, we won't hurt you," kalmadong saad ng hari. Napatitig ako sa mukha nito, kanina ko pa iniisip kung sino ang kamukha niya.


"Maybe we can use her to bring them back?" the queen suggested. Sa hari lang siya nakatingin na parang hinihintay ang pagpayag nito.


"No. We shouldn't use the young lady here."


"You saw how much they care for her. Lalo na nang muntik nang matamaan ang prinsesang ito ng bolang liwanag mo."


"We will not use anyone, my queen."


Binalik nila ang tingin sa'kin na parang ngayon lang naalala na nasa harap nila ako. Ngumiti nang matamis ang reyna sa'kin.


"How's my Pierre?"


Natigilan ako. Ano raw? How's her Pierre?


Wait. So, sila ang parents ng kambal na 'yon? Nalipat ang tingin ko sa hari. Kaya pala parang may kamukha ito. Hawig na hawig sa kaniya ang dalawang asungot na 'yon. Nakatingin sila sa'kin na parang hinihintay akong magkwento.


"He's fine," tipid kong sagot. I wanted to tell them that he's a big asshole now but nah, I don't want to ruin their mood.


Tumango ang reyna. "I want my boy back, Peter," demand ng reyna sa hari. Saglit silang nagkatinginan na para bang nagtatalo sila sa isip.


Bakit parang isang tao lang ang tinutukoy nito?


Muli nila akong hinarap. Kulay dilaw ang buhok ng reyna pati ang mata. Sobrang amo ng mukha niya na 'pag tinitigan mo siya, tila magiging komportable at kalmado ka. But looks can be deceiving. Nawala ang ngiti sa labi nito at sumeryoso ang mukha.


"We know what you did, Princess Zenaiya. You set our precious room on fire. It took some time before they can finally put it out."


"Oh, that worse?" I shrugged. "Didn't mean it."


The queen smiled, amused by my reaction. "You're messing with the wrong people."


Ako pa? Mga hibang na nga sila.


I smiled back. "You're messing with YOUR people," I told them. Natigilan sila at napatitig sa'kin.

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon