Chapter Twenty-Eight: King Vincent

1.8K 83 21
                                    

ZENAIYA ERIS


Napabuntong-hininga ako nang makitang lumabas si Silver. Sinundan lang siya ng tingin ng mga kaibigan niya. Tahimik lang kami pare-pareho at nagpapakiramdaman. Walang nagtatangkang pag-usapan ang mga nangyari kahapon. Halata rin sa'ming lahat ang kawalan ng tulog.


Nagi-guilty ako, sobra. Hindi ako magawang tingnan sa mata ni Silver. Siguradong hindi pa rin siya makapaniwalang magulang ko ang mga kumitil sa buhay ng kapatid niya.


Maski rin naman ako.


Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon at ang ginawa ko. Nakaharap ko sila ulit. Nakita ko. Tila bumalik ako sa pangyayari no'ng gabing nawala silang lahat sa'kin. Ang kaibahan lang, ako na ang pumatay sa kanila at katulad na sila ng mga nilalang na sanhi ng bangungot namin.


Nakita ko ang paglingon nila sa'kin nang tumayo ako at sundan si Silver sa labas. Naabutan ko siyang nakaupo sa malaking bitak na bato, nakayuko ang ulo. Naglakad ako palapit sa kaniya saka umupo sa tabi niya. Hindi niya ako nilingon at nanatili lang sa posisyon niya. Saglit ko siyang sinulyapan.


"Sorry," I told him. Dumapo ang mata ko kung saan walang buhay na nakahiga ang tatlong katawan ng mga taong mahahalaga sa'kin kahapon. "Hindi ko akalaing magagawa nila 'yon at magiging katulad sila ng mga demonyong 'yon." Napayuko ako. "I'm sorry."


"Don't be. Nagawa lang nila 'yon kasi hindi na sila tulad ng mga magulang mo noon," saad niya. Tinaas ko ang ulo para salubungin ang tingin niya. "Let's not put the blame on ourselves. Kasi paniguradong ayaw ni Leigh no'n."


Saglit kaming natahimik. Malamig pa rin ang paligid at madilim ang kalangitan. Tila pati ito ay nakikidalamhati sa nangyari.


"Okay ka lang?" mahina kong tanong.


Malungkot siyang ngumiti. "Oo, kailangan eh." Binalingan niya ako ng tingin. "Ikaw? Alam naming mahirap para sa'yo ang ginawa mo kahapon. Lalo na ang makitang mawalan sila ng buhay sa harap mo sa pangalawang pagkakataon."


"I don't have any choice, do I? I need to be okay."


Tumango siya saka namin tinanaw ang loob ng gubat. Nangunot ang noo ko nang may makitang paggalaw sa mga halaman doon.


"Nakita mo 'yon?" tanong ko. Napatayo ako nang may makita na naman.


"Ang alin?"


"May mga nilalang sa loob ng gubat."


Kumunot ang noo niya saka tinanaw ang loob. "Wala naman ah."


Right. Paano niya makikita, eh medyo may kalayuan at maliit lang ang paggalaw. He doesn't have an enhanced sight as his special ability unlike me. Pinakiramdaman ko ang paligid at pinagmasdan ang loob ng gubat.


"Zen," pagtawag niya at napatayo na rin dahil sa inaakto ko.


Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon