ZENAIYA ERIS
"Kaya pala biglaan ang lahat ng nangyari," saad ni Zan nang sabihin ko sa kaniya ang lahat ng tungkol sa salvation potion at sa mga nagsimula no'n.
Pareho kaming nasa labas at nakaupo sa malaking tipak ng bato. Nakayuko lang siya at sinisipa ang ibang batong maliliit sa paanan.
Hinugot ko ang punyal mula sa isa kong sapatos saka inabot sa kaniya. "Sa'yo 'yan, 'di ba?"
Nanlaki ang mata niya dahil sa pamilyar na punyal. Agad niyang kinuha 'yon nang makita ang nakaukit. "Nakuha mo pa pala 'to, ate?"
Tumango ako habang pinanonood siyang sipatin 'yon. "Nahulog mo 'yan noon, kaya inakala kong hindi ka rin nakaligtas." Hindi ko mapaliwanag ang tuwa ngayong nakikita ko siya, ngayong nasa tabi ko siya at buhay na buhay.
Nilabas niya ang maliit na bilog na metal mula sa bulsa. Agad na nag-iba ang korte no'n at naging isang matalim na punyal. Binato niya 'yon sa ere na naging isang kunai nang bumagsak muli sa palad niya.
"Kaya ako naka-survive dahil may gan'to pa rin ako," saad niya saka muling binalik sa dating anyo ang armas.
Kahit kaya niyang kontrolin ang mga metal, pinaghirapan niya pa ring ukitin ang isang letra sa punyal niya. Kaya nga mas espesyal 'yon sa kaniya. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang lumabas mula ro'n ang iba pa. Hawak nila ang kaniya-kaniyang armas.
"Dapat siguro tayong magsanay," saad ni Law habang hawak ang isang espada. Winasiwas niya 'yon sa hangin na agad gumawa ng matalim na tunog. Parang isang magaang bagay lang 'yon kung gamitin niya. Mukhang sanay na sanay siya.
Hinugot ni Stone ang isang espada mula sa kaha no'n. "Kung marami nang ginagawang replica ang hari, dapat handa tayo."
Nagtanguan ang iba. Nilingon ko ang katabi saka siya binangga sa balikat. "Ready?" Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka. Tumayo ako saka mabilis na hinugot ang espada mula sa likod. "This time, I'll make sure you won't be killed. Now, let's try your skills."
Mabilis siyang tumayo. Pinakita niya sa'kin ang punyal na matagal kong ginamit saka niya 'yon binato sa isang puno. "Isang armas lang, ate." Tinuro niya ang mga baril sa tagiliran ko pati ang isang punyal sa sapatos.
Narinig kong natawa sina Yva kaya napailing ako. Hinugot ko ang mga 'yon saka binato sa isang gilid.Pinanood ko siyang paglaruan ang bilog na metal hanggang sa mag-iba ang anyo no'n.
"Whoa," manghang usal ni Wind nang maging espada ang hawak na Zan. Isang espada na katulad ng hawak ko.
Nginisian ako ng kaharap kaya winasiwas ko ang armas ko. Pinanood niya 'yon hanggang sa itapat ko ang dulo ng espada sa kaniya. Napaatras siya nang kumalat ang itim na apoy sa blade no'n.
Hinigpitan niya ang kapit sa armas niya saka hinanda ang sarili. Sumigaw ito at tumakbo palapit saka umatake.
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...