Chapter Seventeen: Second Wave

1.8K 79 16
                                    

ZENAIYA ERIS


Bagsak ang mga balikat na naglakad kami pabalik sa bahay. Nakatakas ang dapat sana'y huhulihin namin. Paniguradong sinabihan siya na maaari namin siyang hanapin nang makatakas sina Law na may dalang mga impormasyong hindi maaaring kumalat. I can't accept this failure. We found the man but we couldn't do anything but watch him get away. We almost got him.


I shifted my gaze and looked at Wind who's carrying Yva on his back. Nakasimangot ang huli dahil ayaw naman niyang magpabuhat dahil sugatan din si Wind. Pero hindi siya makalakad dahil malala ang tama sa binti niya kaya wala siyang magawa. It was silly that we brought foods and water with us, but we forgot to pack some healing potions.


Narinig ko ang pagpunit ni Stone ng tela mula sa manipis na jacket niya. Lumapit siya sa'kin habang nakatingin sa hiwa ko sa braso. Sinira ko kanina ang sleeves ng jacket ko dahil masakit tuwing dumidikit 'yon sa hiwang natamo ko kaya kitang-kita ang mahaba at namumulang linya doon. Mas nagpalala sa itsura no'n ang dugong lumalabas mula sa sugat.


"It's still bleeding," saad niya habang magkasalubong ang mga kilay. Pinatigil niya ako sa paglalakad at tinakpan ang sugat. Maingat niyang tinali ang tela. Sinuri niya ang kabuuan ko na parang hinahanap pa ang ibang sugat na natamo ko.


"Thanks. Okay na ako," saad ko kaya napatingin siya sa mukha ko.


"Nope." Tinaas niya ang kamay niya at hindi ako nakakilos nang punasan niya ang pisngi ko. May mahinang boltahe ng kuryente akong naramdaman nang dumikit ang balat niya sa'kin. Namula ang tainga niya nang ma-realize ang ginawa niya.


He scrunched his nose and looked away. Kumamot siya sa kilay. "Let's go."


Hindi ata napansin ng iba ang paghinto namin dahil tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad. Halatang hindi rin nila tanggap ang kinalabasan ng paghahanap namin sa lalaking 'yon. Para bang binigyan kami ng sobrang daming biyaya pero nang kukunin na namin iyon ay bigla ring binawi.


"We'll get him, next time," Stone promised as if he could read my mind.


"I know."


Humugot ako ng malalim na hininga habang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko. The cuts I got started to sting, I could feel it throbbing. The coldness isn't helping either and the fact that I didn't get enough sleep makes my body feel heavier. Mabuti na lang at malapit na kami. Nakikita ko na ang bahay.


Sinalubong kami ng mga nag-aalalang mukha nina Cha. Agad silang kumuha ng mga healing potions nang makita nila ang lagay namin. Ako na ang naggamot sa sarili kahit na nagpresinta si Cha na tulungan ako. Kinwento nila ang mga nangyari sa paghahanap namin sa Greg na 'yon. Nanghinayang sila, but they were much worried about us. Nang dumapo ang tingin ko kay Serene, masama ang tingin niya sa'kin. Saka ko lang napagtanto na nakaupo sa tabi ko Stone habang focused ito sa paggagamot sa sarili.


I could hear her saying, "stay away from MY Stone", in my head. But I just shrugged since I don't care about that insecure twat. Malapit din sa'kin sina Cha, Kirsten, at Yva na mukhang wala talagang paki sa kinaiinisan nilang babae. Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok. Bumukas iyon at bumungad sa'min ang mukha ni Pi.

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon