Chapter Nineteen: Escaping the Kingdom

1.8K 75 1
                                    

ZENAIYA ERIS


Humihinto sa paglalakad ang mga kawal na makasasalubong ko at yuyuko. Masama ang tingin ko sa kanila habang tuloy-tuloy ako sa paglalakad. Last night, I tried to sneak out of my room, only to find four knights guarding my door. Wala akong nagawa kundi ang magpalusot dahil nakita nila ako.


Maaga rin akong gumising para makapag-isip kung paano ako tatakas. Binalak kong tumakas sa veranda pero naka-lock iyon at kahit anong gawin ko, hindi ko siya mabuksan o kahit mabasag man lang ang salamin. Talagang gan'to kahigpit ang pagbabantay nila sa'kin?


May mga dumating na tiga-linis din kanina para ayusin ang kwarto ko. Nagpaalam ako na maglalakad-lakad muna pero nakabuntot sa'kin ang apat na kawal. Nakakabanas. Tuluyan akong huminto sa paglalakad saka hinarap ang apat na peste.


"Babalik na ako." Hindi na ako naghintay ng sagot at naglakad na.


Bwisit! Hindi man lang ako nakalabas ng kastilyo.


Kaya ko namang lumaban kahit kamao lang ang gamit ko. Pero sa dami ng mga kawal sa kastilyo, baka hindi pa ako umaabot sa first floor ay duguan na ako. Hindi ko rin magamit si Shen dahil hindi sapat ang espasyo rito sa loob para mabuo siya. We're at the 46th floor at sa palapag pa lang na 'to, marami na ang bantay.


May plano naman na ako sa isip ko. First, kailangan kong hanapin ang susi sa mga power concealer. Second, kailangan kong kabisaduhin ang kastilyo at alamin kung saan-saan may mga bantay na kawal. Third, hahanapin ko ang mga armas ko.


"Zenaiya."


Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang tatlong taong nakatayo sa harap ng kwarto ko. Tipid silang ngumiti sa'kin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinapasok sila.


"We missed you, Zenaiya! We're so happy now that you are back," nagpipigil ng tiling saad ni Nathania saka ako niyakap nang mahigpit.


Nginitian ko siya nang tipid. Nothing has changed with her. Still the old energetic Nathania.


"Gusto ka rin sanang bisitahin nina Andrei pero hindi sila pinapayagan ni Lola Reniah," saad ni Bellany habang komportableng nakahiga sa kama ko. "Baka raw kasi tulungan ka ng dalawang pinsan mong 'yon para makatakas ka."


"Hindi niyo rin ba ako tutulungan?" tanong ko saka umupo sa isang sofa. Halos sakupin na kasi ng dalawang babae ang kama ko.


Natahimik sila habang mabilis na napatingin naman sa'kin si Nikolai. Malamlam ang mata nito habang gulo-gulo ang buhok na para bang kababangon lang galing sa tulog. Nakataas ang paa sa center table at prenteng nakaupo sa isang sofa.


"Gusto mo talagang tumakas?" tanong niya.


I shrugged. "Para namang hindi niyo ako kilala."


Kumawala ang tawa kay Bellany saka siya umupo at tiningnan ako. Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi kami pwedeng tumulong sa'yo pero hindi ka namin pipigilan sa gusto mo. Kailan ba kami naging against sa mga kalokohan mo?" nakangisi niyang saad saka muli na namang humiga.

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon