ZENAIYA ERIS
"Kailangan nating puntahan ang itim na kwartong 'yon," desisyon ni Wind nang ikwento nina Law sa kanila ang mga nangyari kanina. Hindi na namin nabanggit ang nangyari at ang mga nalaman namin sa buhay ni Fred. We are still in shock with what he did to himself but I understand him. I once tried to kill myself too.
Nakaupo lang ako sa isang gilid at pinakikinggan sila.
"Right. Doon daw nila ginagawa ang mga potion kaya kailangan nating sirain ang mga gamit nila at itapon ang lahat ng potion na nakareserba para sa mga demonyong kukunin pa nila." Nilibot ni Law ang tingin niya sa'min, tila sinusuri kami. "Sinong sasama?"
"Hangga't maaari, konti lang dapat ang papasok sa Light Kingdom. Mas madaling tumakas ulit 'pag hindi marami ang papasok. Saka kailangan din ng mga maiiwan dito," wika ni Stone habang nakahalukipkip at malayo ang tingin.
"Let's be real. Hindi pwedeng sumama ang babagal-bagal at ang maaaring makasira sa gagawin nating 'to. Since sampu tayo rito ngayon, lima ang papasok sa Light Kingdom at lima ang maiiwan. Ngayon tayo papasok." Muling nilibot ni Law ang tingin para mamili kung sino ang isasama niya.
"I'll come with you," sabat ni Pi na kanina pa tahimik. Prenteng nakasandal sa pintuan habang nakapamulsa ang parehong kamay. Dahil sa nangyari, sumama siya rito sa bahay para alamin kung ano ang gagawin namin para aksyunan ang mga nalaman. Gulat na napatingin sa kaniya ang lahat.
Oo nga pala. Nasabi nila sa'kin na matagal nang tumakas sa kaharian nila si Pi kaya siguro sila gulat na gulat nang marinig na gusto nitong bumalik ngayon.
"Pero isasama ko si Stone," sabi sa kaniya ni Law.
"So, what? Sasama ako para sa misyon niyong 'to," saad niya habang iniiwasang tapunan ng masamang tingin ang kakambal.
Tumango si Law saka nilipat ang tingin sa'kin. "Will it be too risky if you come?"
Well, delikado naman talaga lalo na at Light Kingdom ang papasukin namin. Mainit ang mata nila sa'kin dahil alam nila ang ginagawa ko. Pero wala akong paki.
"Sasama ako."
Muling nilingon ni Law ang iba. Isa na lang ang kulang sa'min. "Hindi ko alam kung si Cha o si Kirsten ang pipiliin. Since Cha can run really fast, mabilis siyang makatatakas at mabilis niya ring mahahanap ang kwarto. While Kirsten, her special ability is invisibility. Kaya niya rin tayong idamay 'pag ginamit niya ang abilidad niyang 'yon."
"Kirsten should go," saad ni Cha. "Mas importanteng matago niya rin kayo."
Tumango ang iba. Mas makatutulong nga ang abilidad nito sa'min. Kami-kami rin pala ang papasok.
"Zenaiya and I know someone that could help us get inside the kingdom," Pi butted in. Mukha namang naging interesado ang iba nang tingnan nila kami pareho ni Pi.
"Kuya Ian. He can teleport," I said.
"That's great. Pwede ba siya mamaya?"
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...