ZENAIYA ERIS
Huminto kami sa tapat ng bahay ko. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung patutuluyin ko ba sila.
"Walang nakatira dito? Dito mo ba kami patutuluyin? Kumpara sa iba, medyo malaki. Pwede na sigur---" Humarang ako sa harap ng lalaking may gray na buhok nang tangkain niyang lumapit sa pinto ng bahay ko.
"May nakatira diyan," madiin kong saad. Napaatras naman siya saka nanghihinayang pinagmasdan ang bahay. "Obviously, walang bahay rito na ligtas pa para tirahan. Lahat napasok na noon ng mga demonyo. Kung meron man na medyo maayos pa at hindi napasok noon, masiyado namang maliit at dahil laki kayo sa kaharian, hindi niyo kakayanin."
Sinwerte lang ako sa bahay ko. May kalakihan nga 'to kumpara sa iba. Namatay ang mga nakatira nang atakehin ng mga demonyo sa loob ng gubat ayon sa mga kakilala nila. At dahil tinuring akong tiga-ligtas ng mga narito, itong bahay ang in-offer nila sa'kin para tuluyan ko. Inayos ko ang ilang gamit, pinto, at mga bintana. Sinigurado kong ligtas talaga sa loob. May tatlong kwarto sa loob na pwedeng tulugan. Maliit lang pero maayos naman. At dahil ako na ang umo-okupa sa isa, dalawa na lang ang available para sa kanila.
"Gano'n ba? Sinong nakatira diyan?" nag-aalalang tanong ng babaeng may kulay blue na buhok saka sinuri ang bahay sa likod ko. Halatang kinakabahan ang iba sa kanila dahil nagsisimula nang lumubog ang araw. "Pwede naman sigurong pakiusapan 'yong may-ari na kung papayagan niya kaming makitulog ngayong gabi. Bukas na lang kami ulit hahanap ng matutuluyan."
Nakatingin sila sa'kin na hinihintay ang sagot ko. Tinalikuran ko sila saka binuksan ang pinto. "Ako ang nakatira dito. And while all of you are staying here, you gotta follow my rules. If you can't, you are free to go."
Tumango ang ilan sa kanila. "We're fine with that," saad ng babaeng may dilaw na buhok saka ngumiti.
Good.
I stepped aside and let them in. Binaba nila ang bag nila sa isang gilid habang nililibot ang tingin. Umupo naman agad 'yong bata. Sinara ko na ang pinto saka sila hinarap.
"Now tell me, what's the purpose? Bakit kayo tumakas?" tanong ko saka humalukipkip.
"Oh, right." Humarap sa'kin ang isang babae. "But before that, my name's Czarene Armaine Alvero. Electric manipulator. You can just call me Cha," pagpapakilala niya saka bahagyang hinawi ang ilang hibla ng dilaw niyang buhok sa gilid ng kaniyang mukha. Ngumiti siya nang malaki. "Being part of the Aurorials, it is our duty to make sure the safety of every Celestiales. Having those who are inside safe, we also want to check everyone else here too."
"Which, I am certain that the Kings and Queens didn't agree with. Pretty sure that they would just send some Warriors to check on us instead of letting you do it," I told them plainly.
"The reason why we escaped. They stopped us but we can't just let everyone here suffer," the girl with blue hair said. She offered her hand for a handshake. "I'm Kirsten Siazon. Water manipulator."
Tinanggap ko ang kamay niya saka bahagyang napangisi. "We already suffered for more than eight months. A lot had died already."
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...