ZENAIYA ERIS
Ilang araw ang lumipas at nasasanay na akong narito sila. Ginagawa naman nila ang sinadya nila rito. Tumutulong sila tuwing may inaatake ng mga demonyo. 'Pag may nililigtas ako at may nangangailangan pa ng tulong, sila ang pumupunta. Ilang araw ding tumatambay rito si Jake para makipag-close daw sa mga prinsipe't prinsesa nila. Mabilis ngang naging komportable sa kaniya ang iba.
Madalas akong sinasamahan ni Stone at Wind tuwing may hihingi ng tulong. Minsan naman, si Cha at Kirsten ang tumutulong sa'kin. Nagpapalipas din sila ng oras sa tapat ng bahay at nagsasanay 'pag walang nangangailangan ng tulong namin. Magaling sila. Sanay sa pakikipaglaban. Sinabi ko rin sa kanila ang iba pang palatandaan para matukoy ang isang demonyo.
Katulad ngayon, nasa labas sila at nagsasanay na naman. Hinawi ko ang buhok ko at hinanap ang suklay. Masiyado na 'tong mahaba at wala pa sa balak ko ang bawasan ito. Lumabas ako ng banyo at pumasok sa kwarto ko para hanapin ang suklay. Nasaan ba 'yon?
Napatigil ako sa paghahanap saka hinarap si Leigh na nakatayo sa pintuan.
"Ate Zen," banggit niya sa pangalan ko sa malambing na paraan. Ngumiti siya saka pinakita ang hawak na suklay. Naglakad siya palapit sa'kin para iabot 'yon. Bakas naman ang paghanga sa mukha habang pinanonood akong suklayin ang buhok ko. "Ang ganda po ng buhok niyo."
Umupo ako sa higaan ko at sinenyasan siyang lumapit sa'kin. Agad naman itong sumunod.
"Sa'yo rin," saad ko at pinaupo siya. Medyo wavy ang buhok niya at halos umabot na sa bewang niya ang haba. Sinimulan kong suklayan ang kulay itim niyang buhok na may halong light green sa konting hibla.
"Ate Zen, nakita ko po 'yong mga kapatid niyo." Sinimulan kong ipitan ang buhok niya. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahong ginagawa ko 'to kay Zai. Gustong-gusto niya na tinatali ko ang buhok niya, gustong-gusto niya tuwing sinusuklayan ko siya at inaayusan siya. "Close po kayo?"
Close ba kami? Oo, sobra. Sa sobrang close namin, normal na bagay na lang ang pagtakpan ang mga kalokohan ni Zander at ilang beses niya ring ginawa 'yon sa'kin. Madalas naming igala si Zaimin kung saan halos puro asaran ang naririnig ko sa dalawa. Sa sobrang close namin, pati mga kalokohan at mga gulong nasasangkutan namin ni Zan, bonding na rin namin.
Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot sa kaniya. "'Yong kapatid kong lalaki, para kaming aso't pusa no'n minsan. Nagkakasundo kami lalo 'pag inaasar namin 'yong bunso naming kapatid." Napangiti siya dahil sa narinig."Kayo ni Kuya Silver mo?"
"Opo. Sobra po. Para nga pong dumami ang kuya ko dahil kina Kuya Hangin, Bato, at Batas eh."
Batas? So, may Batas pa? Iyon ba ang pangalan niya o tinagalog na naman nila? Should I assume that his name is Law?
"Leigh?" Boses ni Cha. Narinig naming bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. "Leigh?"
"Hinahanap ka na," mahinang saad ko habang patuloy pa rin siyang tinatalian. Mahina siyang natawa at tinakpan pa ang bibig.
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...