ZENAIYA ERIS
Humihikab akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Silver na may binabasa at nang makita ako, mabilis niyang sinara 'yon at tinago sa likod. But too late, I saw it already. I walked towards him. Nakasunod ang mata ng mga kaibigan niya sa'min. Tiningala niya ako saka nginitian na parang aso.
"That's mine."
"What's yours?"
Painosente siyang nakatingin sa'kin. Wala atang balak na ibigay sa'kin ang bagay na 'yon. Bahala ka. Tinalikuran ko na siya at dumeretso na lang sa banyo para makapaghanda na. Kukuha pa ako ng supplies.
Pagkatapos ng mga nangyari kahapon sa bahay nina nanay Karmen, mabilis na nalaman ng lahat na nasa labas ang ibang Aurorials dahil sa mga nakakita kina Stone at Wind. May mga nagpuntahan dito para makita sila at makumpirmang nasa labas nga ang mga prinsipe't prinsesa nila. Kahit kulang, kitang-kita ko ang saya sa mga mukha nila. Tila nakita na nila ang pag-asang matagal nang inaasam para matigil ang kaguluhan dito.
Inaayos ko ang scarf ko nang lumabas ako ng kwarto. Focused sa pagtuturo sina Cha at Kirsten kay Leigh, habang sina Silver at Wind naman, tutok sa isang notebook. Nang mapansin nilang dalawa na nakatingin ako, agad nilang tinago iyon at nagkunwaring nagkukwentuhan.
"Mga baliw." Dumeretso ako sa mesa at kinuha ang mga armas ko. Nilagay ko ang dalawang punyal sa magkabilang sapatos ko at kukunin ko na rin sana ang dalawang baril ko nang may maunang kumuha sa isa no'n.
"Sasama ako," saad ni Stone habang sinusuri ang baril. Aagawin ko na sana pero ayaw niyang bitiwan.
"Hindi ka pwede."
Biglang nagkulay itim ang buhok at mata niya saka pinakita ang isang mask sa'kin. "Pwede."
Napabuntong hininga ako. "Fine." Malakas kong inagaw ang baril at tinalikuran na siya. Sumunod agad siya sa'kin pagkatapos niyang magpaalam sa mga kaibigan.
"Zenaiya---"
"Zen," pagputol ko habang ang tingin ay nasa harap. "Just Zen."
"Eh bakit si Pierre?" tanong niya habang kita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa'kin.
"Ngayon, gusto mong pareho kayo ng kakambal mo?"
Agad na bumakas ang inis sa mukha niya. "Zen," madiin niyang saad. "Bakit ka narito sa labas at wala ro'n sa kaharian niyo?"
"Matagal na ako rito."
"Ikaw lang?"
Saglit ko siyang sinulyapan. Mukhang seryoso siya sa pagtatanong niya. "Kasama ko ang pamilya ko."
"Nasaan sila?"
"Bakit mo tinatanong?"
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...