Chapter Thirty-One: Rise of the Demons

1.7K 85 16
                                    

ZENAIYA ERIS


Nilibot nina Cha ang tingin sa paligid. Ginising pa namin silang apat na babae dahil natulog na ito agad kanina. Nasa pintuan na kaming lahat at pinagmamasdan ang pulang tanawin. Naiwan sa loob si Zan dahil pati siya ay nakatulog na rin.


Tahimik ang paligid. Walang ideya ang mga taong nakakulong sa kani-kanilang bahay sa itsura ng kalangitan ngayon, at sa mga maaaring mangyari sa mga lilipas na segundo.


The crimson sky above us is the indication that another war has started. But everything seems quiet and calm.


"Wait," Law broke the silence then faced us. "Iniipon ng hari ang mga replica sa loob ng kaharian. Sa loob."


Kumunot ang noo ng iba sa'min at hinintay ang gusto niyang iparating. Iyon ang sinabi sa'min ng replica na nakausap ko. Iniipon na sila sa loob.


Nilibot ko ang tingin at nakita ang kadiliman ng paligid.


Shit.


"Madilim ang kabuuan ng lugar natin, maski sa loob ng dalawang kaharian," usal ko. Napahawak ako sa baril ko saka lumabas at sinuri ang paligid. "Ihanda niyo na ang sarili niyo."


Bumakas ang pagpa-panic sa kanila.


"Bakit?" tanong ni Yva.


"Babalik ang atake, babaligtad ang plano," sagot ni Stone saka hinugot din ang baril niya. Naglakad sila ni Law palabas na hawak din ang sariling espada. "Aatake ang mga replica sa loob ng kaharian para makuha ang salvation potion."


Tumango si Law saka tiningnan ang iba. "And what do you think they'll do to us who are outside that will surely stop them from doing so?"


Hinarap ko ang direksyon ng kagubatan. "The replicas are not the only demons who can attack this time. It's dark, we are covered in darkness. Which makes it convenient for all the demons to come out of their territory to attack us."


"Mas maraming mapapatay, mas marami silang magiging katulad," usal ni Kirsten.


"Exactly," I told her.


Dali-dali silang tumalikod para kumuha ng mga armas nila. Hinawakan ako ni Stone sa braso saka pinaharap sa kaniya. "How about Zan?"


Right.


I can't lose him. Not again.


Tiningnan ko ang direksyon ng Light Kingdom. Pero may kailangan pa akong gawin. Haharapin ko pa ang haring 'yon.


Huminga ako nang malalim saka muling sinalubong ang tingin ni Stone. "Get him out of here."


Bumakas ang gulat sa kaniya.


Mabilis na naglabasan ang iba at in-obserbahan ang paligid namin."We should tell---"

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon