ZENAIYA ERIS
"Apat lang ang papasok sa gubat," saad ni Law habang pinanonood ko silang maghanda. Natigilan ang iba saka hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.
"Bakit? Pero kung mas marami, mas malaki ang posibilidad na mahuli natin siya."
Umiling si Law sa sinabi ni Kirsten saka huminto sa paglalagay ng mga healing potion sa bag niya. Naglakad siya palapit kay Wind at Yva saka kinuha ang mga bag nito.
"The attacks have started. We need some of you to stay, in case someone will ask for help and the others will stay here with Leigh." No one dared to talk. "Stone, Kirsten, and Zen will come with me. Silver, Wind, and Yva, stay alert for possible attacks."
He's good at planning and giving tasks. He sounded like a real leader except that I'm not part of their group.
"Pero kailangan ding may maiwang lalaki rito kina Leigh," saad ni Silver.
"Oo nga! Kami lang ni Cha ang maiiwan dito. 'Wag niyo na lang isama si Stone," naiinis na sabat ni Serene.
Sumimangot si Cha nang magsalubong ang mata namin. Halatang ayaw nitong manatili rito kasama ang maarteng babaeng 'to. Saglit na sinulyapan ni Law si Stone saka napailing.
Sunod niya akong nilingon. "How about your friend, Jake?"
"That dude can't fight. Baka sina Cha pa ang manligtas sa kaniya," I told him and didn't mention that that jerk isn't my friend.
Napabuga siya ng hangin. "Bababa ang chance nating mahuli ang lalaking 'yon," mahinang saad nito.
"I'll come with you then," Yva suggested. She shot a pleading look at Law.
"No. Kailangan din tayo ng mga tao rito," agad na pagtutol ni Wind. Nakasimangot siyang tiningnan ni Yva. Inilingan lang siya ni Wind at agad siyang humalukipkip.
"Fine," labas sa ilong niyang usal.
Saglit na natahimik habang nag-iisip ng paraan si Law. I can't tell him that the three of us are already enough because we can't afford to fail again this time. We need to make sure the success of catching that Greg guy. We need everyone we can have to get him.
Matapos ang ilang minuto, muling nagtaas ng tingin si Law. "You can stay here, Stone."
Natigilan ako sa narinig. What?
"Good," mahinang usal ni Serene.
Gusto kong kumontra dahil baka pumalpak na naman kami lalo na at si Law lang ang lalaking kasama namin. Kung pwede nga lang, lahat kami ay pumunta ro'n para lang masiguro na mahuhuli namin ang Greg na 'yon. Pero nang salubungin ni Law ang mata ko, tila may sinasabi ito.
"I know someone we can ask to help us. I mean, WE. We know someone." Nanatili siyang nakatingin sa'kin na para bang sa'kin lang niya sinabi 'yon. Agad kong naintindihan ang gusto niyang iparating.
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...