Chapter Thirty-Two: End of the Line

1.6K 68 17
                                    

ZENAIYA ERIS


Malalakas na humahagis ang mga demonyo sa iba't-ibang direksyon dahil sa mga kawal. Kalat na ang abo nila pati ang patak ng maiitim at malalapot nilang dugo. Mas lumaki pa ang apoy sa blade ng espada ko nang may halos nasa sampung demonyo ang pumalibot sa'kin. Agad ko silang inundayan ng saksak, winasiwas ang espada sa kanila, at hinati ang katawan. Tumalsik ang konting dugo sa balat ko. Humarap ako sa ibang diresyon saka nagbato ng maraming bolang apoy. Tinaas ko rin ang baril habang nanliliit ang mga matang nililibot ang tingin.


BANG! BANG!

BANG! BANG!


Ilang minuto na ba ang lumipas? Gaano na ba katagal kaming nakikipaglaban? Gaano pa ba karami ang mga demonyo?


BANG! BANG!

BANG! BANG!


Nagkalat ang katawan ng ilang mga kawal sa lapag at ng mga Obsculaes, sira-sira ang mga bahay, at magulo ang paligid.


Sobrang gulo.


Naramdaman ko ang pagkirot ng mga sugat ko. Ilang beses na akong humagis, may mga kalmot sa iba't-ibang parte ng katawan, at ilang mga gasgas. Hindi lang ako, pati ang mga kasama ko. Lahat kami, napatingin sa langit nang makita ang mga naglalakihang mga dragon. Mula sa Magical Forest ang mga 'yon. Iba-iba ang mga kulay at tinutungo ang direksyon ng aming kaharian. Malalakas silang mga umuungol, deretso lang ang paglipad at hindi man lang tumitingin sa ibang direksyon.


May kumukontrol sa kanila.


Binalik ko ang atensyon sa harap ko nang palibutan na naman ako ng mga demonyo. Tinaas ko ang parehong kamay saka humugot ng malalim na hininga.


"AHHH!" malakas kong sigaw kasabay ng pagliyab ng apoy sa paligid ko. Mataas, malaki, at sobrang init. Kumalat 'yon paikot sa pwesto ko. Hindi sila makalapit lalo na nang maging marahas ang pag-ikot no'n. Tinaas ko ang baril saka tiningnan ang mga demonyong nasa labas ng apoy.


BANG! BANG!


BANG! BANG!


Umikot ako nang marinig ang pagdaing ni Nathania. Pinalilibutan siya ng mga demonyo.


BANG! BANG! BANG!


Isa-isang nagbagsakan ang mga 'yon. Nang tuluyan silang maubos, humawi ako sa hangin na naging dahilan para mawala ang apoy sa paligid ko.


Hinihingal na humarap sa'kin si Nathania. "I love that gun, now."


"Sorry, you can't have it."


Natawa siya bago muling bumalik sa pakikipaglaban. Napahakbang ako paatras nang may marahas na humila sa buhok ko. May kumapit din sa kabilang braso ko at may mga demonyong tumatakbo palapit sa'kin. Sinamaan ko ng tingin ang demonyong nakakapit sa'kin. Mabilis kong tinusok ang mga mata niya gamit ang mga daliri ko. Napaatras siya at nagsisisigaw nang malakas.

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon