ZENAIYA ERIS
"Thanks, Henry," saad ni Nikolai nang sakto sa tapat ng bahay ko kami napunta. Tinapik niya pa ang likod nito.
Sumalampak sa malalaking bitak na bato ang iba sa'min dahil sa lagay ng katawan.
"Did you really wanna die, Zenaiya?" Nabalik ang tingin ko kay Reece na nakatayo sa harap ko, magkasalubong ang mga kilay.
"Why would I want to die kung gusto ko pang matapos 'to, ha?" tanong ko habang masama ang tingin sa kaniya. Napahawak ako sa tagiliran ko nang sumakit 'yon.
Shit.
"Then stop acting so reckless," marahas niyang saad.
"I didn't do anything this time. He attacked us."
Hindi siya nakasagot at nanatili lang na nakatingin sa'kin. Aalis na sana ako pero hinila niya ako sa braso para muling iharap sa kaniya. Napatingin ako sa bagay na nilabas niya mula sa bulsa.
Nakuha niya pa 'yan?
"I won't tell this to Lola Reniah. But make sure this will be the last time I'll be seeing you in this state, Zenaiya," sabi niya habang sinusuot ang singsing sa daliri ko.
Binawi ko ang kamay saka saglit na sinulyapan si Nikolai na nakangising nakatingin sa'min. "Go now."
Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Reece bago lumapit sa kanila si Kuya Henry. Yumuko sa'kin ang huli. Tinaas niya ang kamay at agad na may lumabas na portal sa gilid namin.
"Your time's running out. Malapit ka nang pabalikin ulit," pahabol na saad ni Nikolai bago sila tuluyang naglaho lahat.
Napabuntong hininga ako nang mapagtantong tama siya. Konti na nga lang ang oras ko rito. Napahawak ako sa tagiliran saka hinarap sina Stone.
"You're engaged?" hindi makapaniwalang tanong nina Yva, Kirsten, at Cha.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka pero nang maalala ang ginawa kanina ni Reece, napatingin ako sa singsing na suot. "With Reece? Silly, no." Kumunot ang noo ko.
"Eh anong ibig sabihin niyan?" Tinuro pa ni Wind ang singsing.
"It's a tracker. Just..." Napangiwi ako nang sumakit na naman ang tagiliran ko. "Just don't mind this."
"Saka hindi kayo bagay. Ang sama ng ugali ng lalaking 'yon. So, just break off your engagement," sabat ni Serene na kinagulat ko nang bahagya.
Kailan pa siya nagkaro'n ng paki sa'kin?
"I am not fucking engaged," madiin kong paglilinaw.
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...