Chapter Twenty-Four: Young Demons

1.8K 77 11
                                    

ZENAIYA ERIS


Tahimik ko lang na pinupunasan ang isang punyal ko habang kaniya-kaniya sila ng usapan sa sala. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Binagabag ako ng mga nalaman ko.


Sinulyapan ko si Stone na nakaupo sa isang gilid. Nakasandal ang likod niya sa pader, nakahalukipkip ang mga braso, magkasalubong ang kilay, at nakapikit ang mga mata.


"Hey." Naalis ang atensyon ko sa kaniya nang marinig ko ang boses ni Law sa tabi ko. Tiningala ko siya at agad niya akong binigyan ng isang ngiti. Naghila siya ng isang upuan saka umupo sa tabi ko. "Okay lang bang magtanong?"


"Fire away." Binalik ko ang atensyon sa hawak na punyal saka pinaikot iyon sa mga daliri ko.


"Anong nangyari? Pagbalik kasi namin kahapon, ganiyan na si Stone," saad niya. Sabay naming tiningnan ang direksyon nito. "Minsan, nababasa ko ang iniisip niya dahil sa abilidad ko, pero ngayon, hindi eh. Sarado."


Hindi ako nakasagot agad. Anong sasabihin ko? Na alam ni Stone na mas gusto nila si Pi kaysa sa kaniya? Na inamin niya sa'kin ang lahat ng 'yon?


"Sorry, but I can't answer that," I told him. Hindi naman maganda na sa'kin manggagaling. Tumango siya saka humugot ng malalim na hininga. "He's your friend, right?"


Nagtataka niya akong tiningnan. "Of course. He's one of my best friends. Lahat sila rito," he answered with no hesitation. Bakas pa rin ang pagtataka sa kaniya dahil sa tinanong ko. Well, that's good to know. Pero kailangan din nilang sabihin 'yon kay Stone. "Alam mo, hindi rin kita mabasa eh. Kahit isang beses, hindi pa."


Halo ng paghanga at pagtataka ang makikita sa mukha nito. Nagagawa ko lang 'yon dahil natutunan ko. One of my lecturers before is a mind reader. She taught us how to close our mind links to avoid someone from invading our thoughts. Pero hindi na niya kailangang malaman pati 'yon.


"Maybe you should talk to him," I suggested and gestured my hand to Stone's direction. Hindi niya na lang pinansin na hindi ako nagpaliwanag tungkol sa sinabi niya kanina.


"Yeah. I will." He sighed once again.


Muli kong sinulyapan ang direksyon nito. Kalmado ang paghinga niya pero magkasalubong ang mga kilay.


Nang may maalala ako, muli kong tiningnan si Law. "Sino si Vincent?" tanong ko. Hindi nakawala sa mata ko ang saglit niyang pagtigil.


"Nakita mo siya? Nakausap mo?"


Umiling ako bilang sagot.


"Si King Vincent, king of all kings. Ang pinakamalakas sa walong Aurorials noon. Sa kaniya galing ang ideya tungkol sa Salvation Potion. He's the one who resorted to this kind of solution to depopulate our world."


Humigpit ang kapit ko sa punyal. Tumingin ako sa ibang direksyon. Siya pala ang puno't dulo ng lahat ng mga nangyayari. The mastermind behind this infamous massacre. The one who should be held responsible for an act of such atrocity.

Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon