CZARENE ARMAINE
Sinigurado naming malinis ang paligid bago gumising si Zen. No'ng unang dating kasi namin dito sa bahay niya, sobrang ayos at linis. Nakahihiya naman na magkakalat kami rito. Saka naiinis siya 'pag makalat.
Wala pa rin kaming ideya kung bakit mas pinili niyang manatili rito kaysa roon malapit sa kaharian niya. Sinabi na rin sa'min ni Kirsten ang napag-usapan nila. Naiintindihan namin. Bakit nga naman siya magku-kwento sa mga bagong kakilala lang?
Nang bumukas ang pinto ng kwarto niya, sabay-sabay kami nina Kirsten at Leigh na napatingin sa kaniya. Ngayon lang siya na-late nang ganito sa paggising.
"Good morning," we greeted her and as usual, hindi siya sumagot at saglit lang kaming nilingon. Nakakatakot siya tumingin. Para bang lahat kami, kaaway niya. Pero hindi naman namin nararamdaman na hindi kami welcome dito. Muli ko nang tinuon ang atensyon ko sa libro ni Leigh.
Nang matapos kami at ayaw na ni Leigh, lumabas muna kami. Nakita namin ang tatlo na nakaupo sa malalaking bato at seryosong umuukit sa mga sanga ng puno. Gumagawa sila ng mga armas dahil hindi kami nakapagdala no'n nang tumakas kami. Sabi pa nga ni Bato na hindi naman daw kailangan pero pinilit pa rin nina Pilak at Hangin, in case na kailanganin daw. Para handa.
Inabutan ko ng tubig si Silver na agad niyang kinuha at ininom. Nginitian niya naman ako saka nagpasalamat.
"Bakit kami wala?" tanong ni Wind.
"Hati-hati dapat kayo eh, kaso inubos nitong si Pilak," sabi ko at tinuro pa ang huli.
"Kumuha ka na lang sa loob," natatawang utos niya kay Hangin.
Umupo kami sa isang gilid habang pinanonood sila. No'ng isang araw pa namin gustong lumabas kaso may mga kawal kaya kinailangan muna naming magtago.
"Nagtatago rin ang mga tao sa loob ng bahay nila," saad ni Kirsten habang nililibot ang tingin. "May mga lumalabas nga pero iilan lang."
Tumango ako habang sinusuri ang mga bahay. Hindi namin inakalang ganito sila karami. Itong bahay lang ni Zen ang parang nahihiwalay. Walang katabing ibang bahay. 'Pag tumingin ka sa paligid, dikit-dikit na at marami. 'Yong iba sira-sira at nakabukas lang dahil walang nakatira.
"With the deafening silence, their fear can be felt. This is much worse than we thought it was," I stated. Napatingin naman ako sa langit. Madilim at maulap. "Oo nga pala. Tag-lamig na."
Ramdam sa hangin ang lamig. Malakas din ang hampas no'n. "Kaya nga sobrang lamig kagabi eh. Paano na tayo niyan? Parang mamayang gabi lang, magsisimula nang umulan ng nyebe. Wala tayong baon na makakapal na damit," nag-aalalang saad ni Kirsten. Mahigit isang buwan din kasi tatagal ang ganitong panahon. Dapat pala nagbaon kami.
"That is for?" Napatingin kami kay Zen nang itanong niya 'yon. Nakahalukipkip siya at kunot ang noong nakatingin sa ginagawa nina Pilak.
"Para saan pa ba 'to, sa tingin mo?" tanong din ni Bato saka pinakita ang matutulis na sanga kay Zen.
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...