Chapter Twelve: People of the Fallen City

1.9K 85 11
                                    

ZENAIYA ERIS


"I heard them. They wanted to get you."

"Bago ko sila atakehin, narinig kong plano nilang gawing pain ang dalawang babaeng 'yon para makuha ka."

"You can't save everyone, Zenaiya. Lalo na kung wala kang ideya sa kung ano o sino talaga ang kalaban mo."

"Lalo na kung wala kang ideya sa kung ano o sino talaga ang kalaban mo."


Bakit gusto nila akong kunin? Ano o sino ang kalaban ko? Ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng sagot ang lahat ng mga katanungan ko. Konti na lang ang oras na meron ako.


"Hi."


Napatigil ako sa paglalakad nang may dalawang babae at isang lalaki ang humarang sa harap ko. Agad kong sinuri ang mga leeg nila para tingnan kung demonyo ba sila pero wala akong nakitang pulang marka ro'n.


"What do you wa---"


"Eveling?" tanong ng lalaki habang may ngiting nakaguhit sa labi.


Sino ang mga 'to? Hindi sila pamilyar. Kulay itim ang mga buhok pati ang mata nila.


"Princess..." naalarma ako nang banggitin 'yon ng isang babae habang inosenteng nakatingin sa'kin, "Zenaiya."


Paano nila nalaman kung sino ako gayong hindi sila pamilyar sa'kin? Mabilis kong hinugot ang espada ko at tinutukan sila.


"Who the fuck are you?"


Hindi sila sumagot at mas lumaki ang ngiti dahil sa reaksyon ko. Nalipat ang tingin ko sa isang babaeng nagbitaw ng mga hindi pamilyar na salita, mabilis niyang nilabas ang isang kamay na nakatago sa likod niya saka tinapat sa'kin ang isang staff.


Bago pa ako makakilos, bigla kong naramdaman ang pag-angat ng katawan ko mula sa lupa. Tila nabingi ako at sumikip ang dibdib. Nakita ko ang pagbagal ng bagsak ng nyebe habang lumalabo ang paningin ko.


Shit. Anong nangyayari?


"Naaalala mo ba si Rina?"


Papa...


"Hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi nila na kinukuha ng demonyo ang mga nagpupunta roon 'pag gabi. Malay natin, baka ito na ang patunay."


"Zander, stop biting your nails!"


"Ate..."


"Nagkagulo. May mga umaawat. May mga tumakbo dahil sa takot. Nagtawag din sila ng mga kawal. I heard that they were planning to put the two into quarantine. But..."


"But they also killed the two Knights."


Rise of the Demons (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon