PAXTONE DEX
Tahimik kaming lahat habang pinakikinggang magsalita si Batas. Kanina pa nakabalik si Zen at agad namang ipinaliwanag nina Batas ang tungkol sa potion sa kaniya.
Oo. Ang mga hari't reyna ng Light Kingdom ang pasimuno sa mga nangyayari ngayon. Nang malaman namin ang tungkol sa ginagawa nila, sinubukan namin silang kumbinsihin na itigil 'to pero hindi sila nakikinig. Sigurado sila sa kalokohang 'to kaya kinailangan naming tumakas.
"I'm sure, wala masiyadong pag-atake mula sa mga demons ngayon."
Tumango si Kirsten para sang-ayunan ang sinabi ni Batas. "Nang magsimula ang tag-lamig, bihira na lang."
Ilang beses kada-minuto ko sinusulyapan si Zen. Tahimik lang siyang nakikinig habang nasa lapag ang tingin. Magkasalubong ang kilay at nakatikom ang labi. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang pinag-usapan nila ni Pierre at gusto ko siyang kausapin para linawin ang lahat. Alam kong galit siya, at ayokong tumagal 'yon.
"Tuwing winter, alam naman nating lahat na nagha-hibernate ang mga demonyo sa ilalim ng lupa kasi kahinaan nila ang lamig. Kaya madalang ang atake, dahil ayaw nilang maubos agad ang mga Replicas. Hindi pa sila makakukuha ng mga demonyo dahil nasa malalim na pagtulog ang mga 'to."
Replicas. Iyon ang tawag nila sa mga demonyong naturukan ng Salvation Potion. Once they got injected with the said potion, they will have their human form back, though they are still dead.
"Pero may isa pa akong nalaman," nang sabihin 'yon ni Batas, nakuha niya ang atensyon namin. "We need to find someone."
"Who?" agad na tanong ni Zen habang seryosong nakatingin dito.
"His name's Greg. Kalbo, malaki ang tiyan, at mahaba ang balbas. Ayon sa narinig ko, nasa dulo siya ng Perilous Forest, malapit sa Magical Forest. Doon siya naglalagi."
"At bakit natin siya kailangang hanapin?" tanong ni Pilak.
"Siya ang naghahanap at kumukuha ng mga demonyo para dalhin sa Light Kingdom. Tough man, good at fighting, hand-to-hand or using any weapons."
"Anong gagawin natin sa kaniya 'pag nahanap natin siya?" tanong din ni Hangin.
Natahimik kami at walang nakasagot. Maski si Batas ay napaisip. Ano nga bang gagawin namin para matigil siya sa ginagawa niya?
"Kill him."
"No," agad na pagsalungat ni Batas kay Zen.
"Why? Sa daming namatay dahil sa ginagawa niya, takot kang patayin siya?" Nagsukatan sila ng tingin.
"He's a Celestiale. And as an Aurorial, you know I must protect my people."
"You want to protect someone who's helping your oh-so-great Hignesses with their oh-so-freaking-good solution that is now causing merciless killings, bloody chaos, and violence affecting their precious people. Wow, great! You'll do good on protecting them."
BINABASA MO ANG
Rise of the Demons (Completed)
Fantasy(Third book of Majestic Series) Zenaiya Eris Anderson, the reputable, bold, and fearless demon slayer in Majestique. The number of population increased drastically over the years in their world. And when the demons started to rise and learned to cha...