Jade's POV
Malaks ang tibok ng puso habang binabagtas ko ang madilim na hallway sa likod ng school building namin. 7 na ng gabi at nandito ako sa loob ng campus para balikan ang naiwan kong notebook at libro sa calculus at locker room ang punta ko ngayon.
Meron kaming long test bukas kaya kailangan ko talaga iyong makuha para makapag aral ako. isang direktang paglabag sa school rule ang ginagawa kong ito, pwede ako ma bigyan ng suspension o mas malala expulsion dahil dito. siguradong patay ako pag may nakakita saking grim, at sana walang may makakita sakin. sana wal---
"tigil!!"
Nako lagot na. Napahinto ako sa paglalakad. ng marinig ko ang boses ng lalaki na kahit hindi na ako lumingon ay alam ko na nakasuot sya ng itim, isa lang ang ibig sabihin nun kabilang sya sa grim class. habang ako na naka uniform padin ng puting blazer na sa unang tingin palang alam na nataga gray class ako na hindi dapat nandito sa mga oras na to. lagot na, anong gagawin ko ngayon haharap ba ako sa kanya at luluhod habng ngmamakaawa na wag isumbong? o wag humarap at tumakbo nalang paputang locker room para makaalis na ako dito??
Tss. di bale na tatakbo nalang ako ng pagkabilis-bilis. Hindi nya naman nakita ang face ko para hindi nya ako masumbong. sana lang hindi sya mabilis tumakbo para hindi nya ako maabutan.
"Kung iniisip mong tumakbo, iyon ang huwag mong gagawin dahil mabilis akong tumakbo at siguradong maaabutan kita."
Napalunok nalang ako ng laway dahil sa narinig ko mula sa kanya. ano siya mind reader?? at nababasa nya ang mga iniisip ko?? pwes kung iniisip nyang maaabutan nya ako hindi yun mangyayari dahil hinding hindi ako magpapahuli sa kanya ng buhay o sa kahit sino mang grim student.
"kung ganon ed di habulin ko ako" hamon ko sa kanya at walang lingon lingon tumakbo ako nang mabilis sa abot ng aking makakaya. hindi niya ko dapat maabutan, hindi ako magpapahuli
Tumakbo ako ng mabilis palayo sa lalaking yon. ito na yata ang pinakamabilis na takbo na ginawa ko sa buong buhay ko. diretso na sana ako sa gym kung saan ang locker room ng bigla kong makasalubong sa hallway ang isang grupo ng mga grim. napahinto ako sa kanilang harapan at nakita ko ang ibat ibang reaksyon ng kanilang mukha. merong nakakunot ang noo, may magkasalubong ang mga kilay, may nasurpresa at meron ding walang paki.
"isa kang gray class! anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ng cute na babae na merong kulay brown at kulot na buhok.
"you are not suppose to be here, gusto mo bang ma suspend or worst maexpel?" sabi naman ng magandang matangkad na babae na may mahaba at maitim na buhok
walang lumabas na salita sa aking bibig at umiling lang ako sa kanila bilang tugon.
"Umuwi ka na habang wala pang may nakakita sa yong ibang grim," payo ng lalaking nakasalamin habang nakatitig sakin, parang sina-psycho niya ko. sya ang pinakamaliit sa kanilang lima, kung hindi ako ngkakamail parang 12 years old palang sya. dahil nga isa syang grim ay hindi ka ako nasurpresa na 4th year high school na sya.
"o-ok salamat..." parang wala sa sarili na tugon ko at biglang may sumigaw mula sa malayo sa likuran nila.
"isang gray class! celestial guardians hulihin sya bilis!!" rinig kong sigaw ng isang lalake at nakaturo sa direksyon ko.
"i think you should go now" sabi nung babae na kulot
Agad akong natauhan sa sinabi ng babae at agad tumakbo papuntang 4th floor ng science building at pumasok sa stock room. mabilis ang tibok ng aking puso at habol habol ko ang aking hininga, grabe sobrang nakakapagod yung ginawa ko. kahit nakapagtago ako ay hindi pa rin humuhupa ang nerbiyos ko dahil feeling ko ay hindi pa ako safe. Ano mang oras kasi ay maaring may sumira
"celestial guardians, maghiwa-hiwalay kayo! gumamit kayo ng flash light sa paghahanap!! hanapin nyo ang gray na yon. huwag nyo syang hayaan na makalabas ng half blood!! kapag hndi nyo sya nahuli kayo ang malalagot sakin!! maliwanag!!?"
"sir yes sir!!"
Ilang sandali lang nawala na ang mga grim na ng uusap sa labas. black out daw?? kung walang koryente ibigsabihin walang ilaw madilim sa labas makakalabas na ako ng half blood.
"iniisip mong lumabas kais black out??" tanong ng lalaki na nakahuli sakin. binaba niya ang kanyang kamay sa pagkakahawas sa braso ko at sa pagkakatakip sa bibig ko. hindi ako ngkakamali ng pagdinig. sya yung grim na unang nakakita sakin kaya tumakbo ako. sa totoo lang sya ang may kasalanan kaya ako tumakbo eh tss.
"wala naman akong ginagawang masama ah!! ang gusto ko lang naman makuha ang notebook at libro ko dahil may pagsusulit kami bukas ng umaga" kinakabahan at natatakot kong paliwanag. nakakainis, dahil sa takot ko may namuong mga luha sa aking mga mata at tuloyan iyong dumaloy sa aking pisngi. bigla ko nalang naalala yung mga ng violate ng time rule, na nahuli sila binubugbog sila ng mga grim na nakakahuli sa kanila.
"hindi mo kailangang umiyak para maawa ako sayo. at hwag kang mag-alala hindi kita isusumbong. ibigay mo sakin ang susi ng locker mo at ako na ang kukuha ng mga gamit mo para sayo." sabi nung lalaki
sandali akong natigilan sa kanyang sinabi at agad kong kinuha ang susi ko at sinabi ang locker number ko. agad syang lumabas ng stock room at naiwan ako magisa dito. ngaalinlangan parin ako kasi pano nalang pagbalik nya may kasama na syang celestial guardians?
----------------------------------------------------------------
isang oras ang dumaan simula nang nakauwi ako dito sa bahay ko malapit sa school. sinuong ko ang malakas na ulan para lang makauwi ako dito sa bahay. hindi ko na sya nahintay na bumalik sa stock room naisip ko kasi na hindi lahat ng taong tumotulong ay walang hinihintay na kapalit at yung iba sa kanila ay meron. nagpapasalamat lang ako kasi walang cctv ang school dahil pag ngkataon naku hindi ko matatakasan ang ginawa kong kasalanan.
Paakyat na sana ako sa kwarto ko ng may marinig akong malakas na katok sa pinto. mabilis akong sumilip sa bintana. isang lalaki ang nasa labas at nakayuko sya kaya hindi ko makita ang mukha biya. pero nakita ko na nakasuot sya ng uniform ng grim. agad akong kinabahan. pano kung natuntun na nila ako. pano kung nahuli na nila ako. omg
Habang papalapit ako sa pinto upang mabuksan ito patuloy parin sa pagkabog ang puso ko. inabot ko ang knob ng pinto at binuksan ko ang pinto. bumungad sakin ang isang basang lalaki na naka grim uniform. para syang galit kasi magkaslaubong ang kanyang kilay, may singkit syang mata matangos na ilong at mapupulang mga labi. sa kabuuan ay masasabi kong gwapo sya at mukha siyang model dahil sa tangkad niya, sa tingin ko ay hindi bababa sa 5'10 ang kanyang hight.
"bakit ka umalis ng stock room? bakit hindi ko ako hinintay na bumalik bago ko umalis?? alam mo bang napagod ako kakahanap sayo sa loob ng campus dahil akala ko nahanap kana ng guardians?? hindi mo man lang naisip na ikaw na nga yung tinutulungan ikaw pa yung gumawa ng masaman!!" galit na sabi nya sakin. aray naman ang tenga ko baka masira. hindi ako makapagsalita sige ako na guilty ako na..........
Pls Vote at comment po sa baba ^_^
BINABASA MO ANG
Half blood Academy
FantasyWhat If You Learned That you are Reincarnation of a Greek god and what would you do if you learned that your school is no ordinary school what would you do. Inspired By Greek Mythology Enjoy the Story