First Day Of training
Lorry's POV
Wednesday
4pm - 5pm History
5pm - 6pm Math
6pm - 7pm English
7pm - 7:25pm Break
7:25 - 8pm chemistry
8pm - 9pm Filipino
9pm - 10pm training
Nagsimula na ang oras ng History. Katulad ng dati pinili ko paring umupo sa pinaka unahan. Hindi nagturo at nagbigay ng leksyon ang matandang guro naming. Nakaupo lang ito sa kanyang lamesa at ng babasa ng libro. Siguro ayaw na ng mga guro ng grim na turuan sila kasi sa tingin nila hindi na sila kailangan turuan kasi matatalino na sila at madaling matuto.
OO nga naman, eh dib a nga advance at matatalino ang mga taga grim?? Ako lang yata yung hindi eh. So kapag ganun ano ang mangyayari sakin, nganga? Kapag nagbigay ng exam, itlog? Bagsak? Ayaw ko rin naman bumagsak, gusto ko rin namang makapagtapos, kaya self study na lang ang peg ko ngayon.
Wala pa ring nagbabago sa room, ay meron pala marami ang absent. Halos kalahati ang absent. Bakit kaya? Hindi naman sila siguro mga bampira noh na ayaw sa araw?? O baka tama ako? Baka mga bampira nga ang mga yun.
Napalingon naman ako sa likod, wala si Lance. Absent sya??, ewan ko pero parang nakaramdam ako ng lungkot, pero kunti lang naman. Ayoko namang isipin na namimis ko ang kakulitan at kasupladohan nya, pero parang feel ko na ganun na nga. Baka galit parin sya sakin, ayaw ko namang ipilit na kausapin ang tao na ayaw namang kumausap sakin.
Hayaan ko na lang siguro nga hanggang one week lang talaga ang pagsasamahan naming bilang sya ang master of blackmail at ako naman ang uto utong alalay. Hanggang doon nalang siguro yun.
Looking forward na lang ako para sa first training ko mamaya. Pagbubutihan ko talaga para maging malakas ako katulad ng iba. Bigla ko tuloy naalala yung lalaki kagabi, ang galing ng kapangyarihan nya. Si shane rin at si Rhoda, pati rin yung jack at yung iba pang grim. At si prop moyon. Ang galing nilang lahat, alam nila kung paano gamitin ang kapangyarihan nila samantalang ako yung pag control lang sa mga halaman ang nalalaman ko pero kung ma sobrahan naman ayun bagsak kaagad at nauubusan ng lakas.
Tumakbo ang orsa hanggang sa sumapit ang gabi. Tapos na lahat ng subjects ko at ng hihintay nalang ako sa training ko. Habang ng hihintay ako naalala kong may sandwich pala ako sa bag. Kinakabahan ako at naeexcite. Basta hindi ko maexplain ang pakiramdam ko.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa forbidden building, dun kasi sabi ni prop. Moyon dumeretso para sa training. May mga nagbabantay na dalawang celestial guardians sa main door, babae at lalaki. Walang sabi sabi ay pinapasok nila ako. Parang ineexpect na nila ang pagdating ko.
Tumuloy ako sa office ni prop. Kumatok ako sa pinto. Bumukas ito at lumabas si prop moyon.
Agad ko syang binati " Good evening po"
"good evening din. Pls follow me." Sani nito at humakbang patungo sa kaliwang hallway. Huminto kami sa pinaka huling pintuan. Inikot ni prop ang knob. Bumukas ito at pumasok kaming dalawa.
Ang lapad at ang liwanag ng silid na iyon, walang bintana, kulay puti ang mga pader at kisame, ang sahig naman ay natatakpan ng solid foam na kulay asul. Wala akong makitang gamit doon, ang naroon lang sa loob ng silid ay tatlong pintuan na magkatabi. Humakbang ako sa unang pinto, may nakasulat ditto, control room, ang sunod namang pinto ay weaponry room, at ang huli ay ang rest room.
BINABASA MO ANG
Half blood Academy
FantasyWhat If You Learned That you are Reincarnation of a Greek god and what would you do if you learned that your school is no ordinary school what would you do. Inspired By Greek Mythology Enjoy the Story