The stranger under the rain

323 11 1
                                    

The stranger under the rain

Jade's POV

Pagkatapos ng orientation namin ni shane para sa training naming ay umui na ako. Pagod na binagsak ko ang aking katawan sa aking higaan. Bumangon uli ako sa aking higaan at kinuha ang box na bigay sakin ni prof. sevilla. Nakita ko ang dalawang pares ng training uniform, kulay puti ang mga ito, para itong uniform sa karatedo pero manipis lang yung tela. Meron ding itong kasamang dalawang white belt.

Nilagay ko sa hanger ang mga uniform at naupo sa gilid ng kama, napalingon nalang ako sa side table ko at nakita ko ang cp ko. Agad ko itong kinuha at binuksan, habang ng loload pa bigla kong naisip hindi ko pa nasabi kena mika at miko na nilipan na ako ditto sa grim class.

Ini-on ko yung cp. At gada na pumasok ang mga message. 32 messages ang natangap ko, apat kay miko at dalawa kay mika at ang iba galing kay Lance lahat. Inuna ko muna kanila miko at mika, nangangamusta lang sila at ng tatanong kung bakit daw ako absent kanina. Agad akong ng reply na inilipat na ako sa grim class.

Humiga ulit ako sa kama at binasa ang mga txt ni Lance sakin. Nakita ko naman na kanina pa ito na sent nung time na nasa training class ako. Siguro hindi nya alam amg tungkol sa training ko. Binsa ko isa isa ang mga txt nya.

Kamusta? San ka ngayon?

Bakit hindi ka macontact?

Ano ba! Magreply ka nga.

Ano na nangyari sayo? Namatay ka nab a?

Hoy magreply ka! Hindi kita ma contact

Naaasar na ako sayo, mgreply ka

Hoy ano na?

Bahala ka nga!

Last na to pag di kapa ng reply sakin patay ka bukas

Bwisit ka! Bahala ka sa buhay mo.

Yun ang mga txt nya sakin. Kung ganun kaya pala nung umuwi ako kanina na kita ko sya pero hindi nya akong pinansin kasi hindi ko sya nareplayan. Eh pano ba naman kasi hindi ko dinadala ang cp ko sa school. Paano ko sya ma rereplayan.

"sorry, ngaton ko lang nabasa txt mo." Txt k okay Lance

Hinintay ko syang mg reply pero wala. Tulog na siguro. Tumungo na lang ako sa banyo para maligo, nagbihis at humiga para matuog. Tinignan ko ang cp ko pero wala pa ding reply. Siguro ayaw na magtext ni Lance dahil sinabihan ko sya na talk to you never at sinabihan ko pa sya na hindi kami mgkaibigan. So kung ganun ako ang may kaslalanan? Malay ko bang ng text pala sya.

Ayoko ng mag-isip ng kung ano ano pa. magsinuplado sya hanggang sa gusto nya. Patas na kami, wala na akong pakialam sa kanya. At sinabi nya na wala syang pakialam sakin? Ok, yun naman pala eh. Eh di mas ok.

Thursday ng hapon at ng hahand ana ako para pumasok ng Makita ko ang mga ng lalakihang bato sa likod ng bahay ko.

"paano ito napunta dito?" tinray kong itutuk ang mga kamay ko sa bato. Agad kong naramdaman ang init na dumadaloy sa mga kamay ko. Nakita ko na lumutang na ang bato.

Nagawa ko

Ng biglang nawala ang init sa kamay ko at bumagsak ang bato sa lupa. Nakaramdam ako na may parang mainit na dumadaloy sa ilong ko. Hinawakan ko ang aking ilong at may nakapa akong parang basa, pag tingin ko sa kamay ko dugo pala yung tumulo sa kamay ko. Mabilis kong pinahiran ng panyo ko ang dugo na tumulo sa ilong ko.

Shems, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakaramdam ako ng pagkahilo at parang naduduwal ako. Nagsuka ako sa lupa pero wala akong masuka. Panay ang duwal ko, nawalan rin ito ilang sandali pero naramdaman kong nanghihina yung katawan ko.

Half blood Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon