The Answers

328 11 0
                                    

The Answers

Jade's POV

Nakarating ako sa harap ng gate ng academy ng mga 3:34 na ng hapon. Nakita kong wala ng mga grim na students at na sidatingan na rin ang mga grim class. Humugot ako ng lakas para pumasok ng gate. Good luck jade sana maging maayos ang pagpasok ko sa new class ko huhuhu.

Pagkapasok ko ng school dumeretso ako sa forbidden building ng school. Don din pala ang office ni ms. Moyon. Kumatok ako sa pinto at agad naman din akong pinapasok ni ms. Moyon.

"Good afternoon po" bati ko sakanya

"good afternoon din ms. Tan, maupo ka muna"

Umupo ako sa silya na nasaharap ng table nya " salamat po" sabi ko

" alam ko kung bakit ka nandito ms. Tan. Dahil maraming mga tanong na gusto mong itanong tama??" seryoso nyang sabi. Tumango nalang ako bilang pagtugon sa kanyang mga katanungan.

"saan mo gustong mg simula?" tanong nya

Hindi na ako ng dalawang isip "ms. Ano po bang klaseng school tong half blood at ano yung sinabi ni shane na mga half blood din yung mga students na may mga kapangyarihan?? Simula kong tanong.

Umupo ng maayos si ms. Moyon " jade ang half blood academy ay hindi lang basta basta." Sabi nya.

" ano pong ibig mong sabihin??" naguguluhan kong tanong.

" jade, ang half blood ay school para sa mga kakaibang mga students. Mga students na may mga kapangyarihan. ang half blood naman..." biglang tumayo si ms. At may pinakita saking pictures ng mga kakaibang mga nilalang sa kanyang laptop. " nakikita mo ba yang mga larawang yan?? Yan ang mga half blood at kabilang ang lahi mo jan." sabi nya.

"bakit nyo po alam kung ano ako" ng aalalang tanong ko sakanay

" nararamdaman ko yung kapangyarihan mo" sagot nya. " may mga katanungan ka pa ba??" dagdag nya

" ms. moyon pwede mo po e explain ang half blood??"

Tumayo si ms. sa kanayang upuan at lumapit sa isang malaking board na may mga pictures. Kumuha sya ng isang mahabang stick at ng simula tinuro ang mga picture na nasa board. " there are two kinds of half blood ms. tan. First sila yung mga mythical creatures. Sila yung mga nakalaban nyo nung isang araw. Second naman yung mga reincarnation ng mga Greek gods."

Umupo sya ulit sa silay nya " let me tell you the story. It all started in the time of the Greek gods. Ang tao at ang mga diyos ay hindi ng kakasundo nangunguna doon ang kaharian ng asheron. Ang asheron ang kahariang pinakamalakas sa panahong iyon. Di ng tagal ng diklara ng digmaan ang mga taga asheron laban sa mga diyos, at sa ayaw ni Zeus ng gulo isinumpa nya lahat ng mga mamamayan ng asheron. Doon ng simula ang mga Mermaids, vampires, wolves, elves, faeries, witches, warlocks, centaurs, etcetera, etcetera."

" tapos po anong ng yari??" sabik kong tanong. Ng smile si ms. bago itinuloy ang kanyang kwento.

" Imbis na matakot ang mga taong kumakalaban sa mga diyos nagalit sila sa ngyari sa mga taga asheron. Kaya naman huminto silang lahat sa pagsamba sa mga diyos. Alam nila na kumukuha lamang ng lakas galing sa pag samba ng mga tao ang mga diyos. Ilang taon ang lumipas, nanghina ang mga diyos. Dahil sa panghihina ng mga diyos hindi nila nalaman na nakawala na pala ang mga Titan, ang unang mga diyos ng mundo. Isang malaking digmaan ang ng yari sa mt. Olympus. Sa huling araw ng digmaan ng pakawala si zeus ng isang malaking pag sabog. Dahilan para mawala silang lahat, ang mga diyos at titan" Sabi ni ms. kahit mahaba interesado parin ako.

" bago namatay silang lahat may sinabi si zeus, sabi nya na mabubuhay kami ulit"

"ms. about sa narinig ko nung nasa hospital pa ako, about sa ka reincarnation ko." Tanong ko

"Ah. Yes about that. Ms. tan you are a reincarnation of the titan Gaia. She is the mother of all, she started everything. She is the titan of nature" Grabe na shock ako nun ah. Alam ba to ni mama. Bakit ako.

" I know you are shock about what happened. Do you still have any questions??" yanong ni prop.

" opo prop. Meron bang mga taong may kapangyarihan??"

"yes" maikling sagot ni prop

"prop, eh ikaw? Ano po ba kayo? At anong kakayahan niyo??"

Pinagcross nito ang braso sa harap ng kanyang dibdib at tinitigan ako. "isa akong tao."

"ano po??" nabiglang bigkas ko. Tao pala sya bakit ang dami nyang alam sa mga kagaya ko??

" you herd it right isa akong tao. Ang abilidad ko, sensist kaya kong eenhance o pahinain ang limang senses ng katawan ko at ang ibang tao."

" ano po ang ibig nyong sabihin?" tanong ko

" for example. Blind!" narinig kong sabi ni prop

Bigla nalang akong walang Makita pagkatapos kong marinig ang sinabi ni prop na blind, nabulag ako. " prop wala akong Makita." Kinakabahan na sabi ko.

"see!" rinig kong sabi

Bumalik ang paningin ko " ang galing"

"numb!" sabi ni prop. Hindi ako makaramdam, namanhid ang buo kong katawan. Para akong naparalize na hindi makagalaw. "feel" sabi nito at bumalik ako sa dati.

Ang lakas ng kapangyarihan nya, nakakatakot sya. Napalunok ako ng laway. Oo ang kapangyarihan nya ay tungkol sa 5 senses ng katawan ng tao. Ngrereact ang senses ko ayon sa gusto nyang mg yari. Nakokontrol nya ito.

"ano pang gusto mong malaman?" sabi nito

"tungkol po sa celestial orb, may alam si mama sa celestial orb, nung gabi na ng simula ang abnormal na panahaon alam ni mama na kalahi ko ang may kagagawan nun. Saan po ba nanggaling ang orb at ano ang koneksyon nun sa panahon.

Ipinakita ulit sakin ni prop. Ang kanyang laptop at lumabas ang mga larawan ng mag parang gamit, may baston, pana, at nakita ko rin ang orb. " sa tingin mo ilang taon na ang orb?" tanong sakin ni prop.

" sa aking pagkakalam ko po batay sa nabasa ko mahigit isang daang taon na po" sagot ko

Nakita ko syang umiling " no. this orb is about million years of age" napanganga ako sa narinig ko. Whee? di nga?? " ang mga bagay na ito ay pagmamayari ng mga diyos ng Greek.

"ano po ba ang nagagawa ng orb? Tanong ko

" using the orb it can enhance the powers or abilities of the user, this orb belongs to Hera sang asawa ni Zeus" paliwanag nya

" kung ang orb ay makapangyarihan bakit lang nakadispaly ito sa school at hindi nakatago?"

Ngumiti ito " ang buong academy ay protektado ng mahika, isang malakas at lumang mahika na hindi basta-basta masisira nino man. Hindi mailabas ang orb sa academy ng basta basta na lang dahil may nakataling mahika dito.

Pero muntik na po iyong manakaw ng limang grim students kaso napigilan sila bago pumasok sa itim na bilog."

"you mean port gate?" Ngumiti at naupo ulit ito sa kanyang upuan, port gate pala ang tawag doon hahaha may itim na lagusan pa akong nalalaman ah. " tulad ng sinabi ko hindi nila mailalabas ng school ang orb ng basta-basta. Mga bata lang sila na nag-eexpereminto, hini nila alam ang mga pinaggagawa nila. Sabi nito

ok so kung safe dito ang orb, edi mabuti. " pero bakit hindi niyo po agad nakita ang orb nung nawawala ito?"

" hindi agad ito nakita kasi nakatago ito. Ginamitan ito ng mga mahika para matago ito"

Tumango ako, nagiging klaro na ang lahat. Meron pala akong hindi natanong. Kung meron pa bang ka reincarnation ng mga diyos na katulad ko. " eh prop may mga katulad ba ako?? Yung mga ka reincarnation.??"

" tumango sya " oo meron at hinahanap naming sila para hindi dila makapag dulot ng kapahamakan. Ipapakilala ko sila sayo pag may oras na sila"

"ms. last na la-----" pinutol nya ako

" time is running." Sabi ni prop

Dahil sa sinabi ni prop ay mabilis kong tinignan ang relo ko, what the efff 7:19 na late na akong ng 3 subjects ko. Mabilis akong tumayo " prop. Salamat, babalik na lang po ako next timr, pasok nap o ako." Natatarantang sabo ko, tumango lang sya at mabilis na akong lumabas ng kanyang office.

Asar! Hindi ko namalayan ang oras.


Half blood Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon