Something went wrong
Lorry's POV
Sinulyapan ko silang anim at nag tama ang aming mga paningin. Agad din naman nila akong nilagpasan. Napabuntong hininga nalang ako kasi akala ko makikilala nila ako. Paglabas ko ng gate umupo ako sa isang bench, para kasing ng hina ang mga tuhod ko.
Sobrang kinabahan ako sa pagkikita namin, mukang mag kakasakit ako sa puso dahil sa mga grim na yun. Yung lalaking matangkad nakita ko syang ngumiti sakin ewan ko ba parang namamalikmata lang siguro ako. Sa tingin ko na kilala nya ako pero kung ganun paman bakit hindi niya ako isumbong?
"Hey.... Mukang malalim pa sa Mariana's trench yang iniisip mo ah." Sabi nung gumulat sakin. Agad naman akong tumingin sa kanya. Si shane pala
Ha?? Anong sabi mo??. Nakakunot noong tanong ko sa kanya. At may narinig din akong Mariana's trench. " at anong Mariana's trench? Baliw ba sya
Umiling sya at lumapad ang ngiti. " ang sabi ko malalim ang iniisip mo, mas malalim pa sa Mariana's trench. Bakit sino ba yan si Lance ??"
Mabilis akong umiling " Lance ?? Bakit ko naman sasayangin ang oras ko sa pag iisip sa baliw na yun. Hay naku kung bakit pa kasi nabangit yang kasumpa sumpang pangalan na yan.
"Ah sorry akala ko kase mag bf kayo" sabi nya sabay upo sa tabi ko as in dikit talaga. Ang laki naman ng space dito ah pero dumikit pa talaga.
"hindi ako pumapatol sa baliw noh" sabi ko sabay usog at umosog din sya, umosog ulit ako at pati rin sya. Ang kulit nya ah para syang si lance the second.
"hahahaha eh bakit kayo ng halikan kayo kanina. Alam mo kung love mo talaga yung isang tao wag mo syang e deny." Sabi nya
Ano bang pinag sasabi ng taong ito kanina about sa Mariana's trench tapos napunta kay angelo then naging bf tapos love, anong susunod anak?
"hindi ko boyfriend si Lance Lance Tapos!!" Naiiritang sabi ko
"cool" sigaw naman nya
Cool?? Ano bang pinagsasabi nya. Mga grim talaga ang weird siguro sa sobrang pagkatalino naging baliw na sila.
"ano palang ginagawa mo dito??" Tanong ko.
"ummm i was waiting for my ride when i saw you" grabe ah may pa english English pa syang nalalaman.
"ah ok." Bagot kung sabi
"may hinihintay ka ba o baka naman si Lance hahaha" natatawang sabi nya.
"shane umalis ka na nga" sigaw ko
"ok ok chill" pero bago sya umalis biglang sumeryoso yung mukha nya.
"mukang may masamang mangyayari ah" sabi nya
"ano naman yun"
"hindi ko pa alam pero kapag hindi pa naibalik ang orb sa school magpapatuloy itong mga bagay na ito." Pag papaliwanag ni shane.
"kilala kita jade at alam ko kung ano ka at kung ano ang nagagawa mo" sabi nya. Bigla nalang akong kinabahan
"anong pinag sasabi mo?" Sabi ko dapat hindi nya mahalata na kinakabahan ako.
"wAg ka ng magsinungaling, at wag kang matakot magkaparehas tayo." Sabi nya sabay layo. Pero nung hindi pa sya nakakalayo may isinigaw sya.
"jade hindi masama na mag palit ka ng anyo mukang matagal ka ng hindi nakakalipad eh."
Magkatulad daw kami, so kung ganun fairy din pala si shane. Pinakiramdaman ko ang aking pakpak, tama nga sya matagal na akong hindi nakakalipad. Sabi kasi ni mama sakin sa dapat isang beses sa isang lingo lumipad ang mga diwatang kagaya ko na nakikihalubilo sa mga tao. Sa pag kakatanda ko tatlong lingo na akong hindi nakakalipad.
--------------------------------
Madaling araw naalimpungatan ako. Lumapit ako sa bintana at nakita ko yung mga kaulapan. Iba ang kanilang mga kulay parang brown yung kulay na may kasamang pula at napansin ko din ang malakas na mahika sa paligid. Agad ko namang tinawagan ni mama para ipaalam ang ngyayayri agad din naman nyang sinagot ang tawag ko
"ma nakikita mo ba kung anong ng yayari sa mga ulap" pangbungad ko sa kanya.
"oo anak kania pa namin nararamdaman ang malakas na mahika" ng aalalang sabi ni mama. Sasagot na sana ako ng biglang kumidlat at tumama ito sa kalupaan at ng dulot ito ng kaunting pag yanig.
"Anak anak nawawala ba ang celestial orb sa academy." Tanong ni mama
"oo ma mga ilang araw na rin" agad kong sagot
"anak sa tingin ko ay kalahi din natin ang may gawa nyan base sa aking nararamdamang mahika." Pag papaalala.
LItutuloy!!!
BINABASA MO ANG
Half blood Academy
FantasyWhat If You Learned That you are Reincarnation of a Greek god and what would you do if you learned that your school is no ordinary school what would you do. Inspired By Greek Mythology Enjoy the Story