Chapter 5

133 14 0
                                    

Dedicated to YefaDiane. Enjoy

Chapter 5

Tears

Humugot ako nang malalim na hininga at dinama lang ang malamig na hangin ng hapon. Malapit na mag-dilim pero nandito pa ako sa school, tumambay nalang ako dito sa mga benches sa school.

May trycicle pa naman hanggang alasais ng gabi. Kaya ko naman nang mag-commute. Mamaya nalang siguro ako mag-tetext kila mama at papa. Sure naman akong wala pa sila sa bahay dahil nasa kompanya pa sila.

Pagkatapos nang nangyari sa amin ni James ay inaamin kong nasasaktan parin ako hanggang ngayon.

Mabigat sa feeling, pero hindi ko kayang umiyak dahil lang don. Kaya nya 'yun nasabi kasi nainis na sya sa akin, nag-attempt parin akong mangopya kanina kahit na napag-sabihan na nya ako at kahit nag-usap na kami ni papa.

Lahat ng sinabi nya ay tama lang na sabihin sa akin harap harapan. He just burst out of his feelings, I deserved what I'm feeling now.

Inaamin ko nga ang pagkakamali ko at mabilis kong tanggapin pero inuulit ko parin. Hindi ko naiisip ang mga napeperwisyo ko sa mga pagkakamali na ginagawa ko.

"He's right, I'm being manipulative too." naisip ko na tama sya kasi nagawa ko na kay Jay.

Kaibigan ko sya at dahil magkaibigan kami ay na-take advantage ko 'yun. Nasanay ako no'ng grade 7 kami na lagi nya akong tinutulungan sa lahat.

Tapos naisip ko na nandyan naman si Jay kaya nya naman akong tulungan kapag wala akong maisagot, kaya nya naman gawin mga activities ko kasi magkaibigan kami. Hindi nya ako iiwan kasi kaibigan nya ako.

I always make excuses to justify my actions. I took advantage of his kindness, kasi kaibigan kami.

Lagi kong sinasabi na,

"Jay, ikaw na gumawa nito hindi ko kasi talaga gets."

'Yan lagi ang ginagawa ko noon kasi nga kapag hindi ko kaya o tinatamad ako sya na ang gumagawa. Nasanay ako nang nasanay na ganon. Until I didn't realize that I am already manipulating him for being my friend and for being too good for me.

I take a deep breath at napatingala sa langit.

"I should change, walang mangyayari sa akin kung ganito ako palagi. I am being so selfish and bad. Hinahayaan kong maging ganito lang ako." lumungkot ang boses ko.

"Ayokong magalit sa akin sila mama at papa, ayoko naring magalit si James at pagtawanan ako ng mga kaklase ko tuwing napapagalitan ako na nangongopya,"

"At mas lalong ayaw na ayaw ko nang gawin pa ni Jay ang mga assignment at activities ko. Ayoko nang dumagdag sa mga ginagawa nya at ayokong nagkakasakit sya."

"Iiwasan kong mangopya, I'll try my best to review." pampalakas ko sa loob ko.

Nang masyado nang madalim ay doon ko na napag-desisyonan na umuwi. Hinintay ko pang may tatawid talaga para makasabay din na maka-tawid.

Malapit na mag-alas syete nang maka-uwi ako. Nagulat ako nang maka-salubong si mama at papa sa sala ng bahay.

"Good evening po," mabilis akong nag-mano sa kanila.

"Daniela." malamig na tawag ni mama kaya ngumiti ako.

"Opo, I attempt to cheat again. Nangongopya po ako kanina kasi po wala akong masagot. Surprise quiz ni ma'am,nahuli nya ako kaya napunit na naman ang papel ko. Sorry po, hindi na mauulit." agad kong paliwanag sa kanila habang naka-yuko.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon