Chapter 21
Guitar
Nanghihina akong umupo sa bench. Tulala at ramdam ang pag-iinit ng aking pisngi.
"Gusto kita, gustong gusto kita!"
Nag-paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi niya, ang mukha niya, lalong lalo na ang kanyang pag-iyak. I didn't expect that he'll cry! Hindi ko talaga inisip na kaya niyang gawin iyon.
Kayang isigaw sa harapan ko ang totoo at umiyak habang umaamin na gusto niya ako. I felt that his guilty of what he did. Sa gulat ko sa mga sinabi niya ay wala akong nagawa kundi ang titigan lang siya at magulat sa mga sinasabi niya.
Ano na ang mangyayari sa amin? Gayong gusto niya rin ako at ako ay gusto ko parin siya? Iniwan niya ako dito pagkatapos niyang umamin, ni salita ay wala akong nagawa dahil gulat ako! Gulat na gulat akong malaman na gusto din ako ng lalaking gusto ko.
Well, who wouldn't be shocked about that? Sino ba ang hindi magugulat kung gusto ka ng lalaking gusto mo din?
Kailan niya ako nagustuhan? Kailan niya pa pinipigilan ang sarili niya? No'ng umamin ako ay gusto niya daw ako pero sinabing kaibigan lang ang turing sa akin dahil nga ay takot siya. Nahihiya din siya at inisip na hindi kami puwede.
Napapikit ako nang maalala ang mga sinabi niya. Niyakap ko ang bag ko at napasinghap.
Hindi kami puwede dahil anak mayaman ako at siya ay mahirap lang? Gano'n ba talaga ang tingin ng iba? Kapag mayaman ay hindi puwedeng magkagusto sa mahirap? Pero bakit? Anong mali doon?
If a person has money and golds it means they should be partnered with families who had golds too? For what? To make their family known and just be wealthy?
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maisip ng tama o sakto kung bakit gano'n ang tao. Bakit kapag mayaman ka o may posisyon sa buhay ay dapat ipares ka sa isang kilalang tao o pamilya. Kailangan ba ng pera sa pag-ibig?
Kapag nagmamahal ba ay kailangan ba ng kayamanan?
"Buwesit!" inis na sabi ko at hinila ang buhok.
Alam kong mahina talaga ang utak ko pero pakiramdam ko mas lalo lang akong nagiging bobo sa mga iniisip ko. I just don't get the point! Hindi ko talaga makuha ang punto ni James.
Inisip niya pang hindi ko na siya gusto dahil nalaman ko na ang totoo. As if that I liked him and I fell in love with him because of his money! Psh, hindi naman ako gano'n.
Tumayo ako at dapat ay mag-usap kami ngayon. Pag-uusapan namin 'to. Gusto niya pala ako at nalaman ko na 'yon, at alam niya naman na gusto ko siya edi dapat ay may mangyari sa aming dalawa! Hindi puwedeng wala! Hindi puwedeng layuan niya lang ako.
Pumunta akong classroom at chineck kung nandoon siya pero walang tao sa kanyang upuan. Tinignan ko naman ang ibang kaklase ko na narito pa.
"Jam, nakita niyo si James?" tanong ko.
"Hindi eh, baka nanunuod sa mga sports na may championship ngayon."
Tumango nalang ako sa sagot niya sa akin at lumabas agad ng classroom.
Mabibilis ang lakad ko at palinga-linga lang at sumisilip sa mga classroom na nadadaanan ko. Baka sakaling makita ko siya.
Bukod sa benches at classroom namin ay sa rooftop lang siya madalas na tumatambay. 'Yon lang din naman ang mga lugar na puwede niyang puntahan, dahil 'yon lang din naman ang alam ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/154692622-288-k587040.jpg)
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Roman pour AdolescentsStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...