Chapter 11
Pain
Tulala akong nag-lalakad papuntang principal office. Iniisip ko na agad ang mangyayari sa akin.
Walang masamang ipagtanggol ang sarili, walang mali ang mag-sabi ng katotohanan, walang masamang magkaroon ng paninindigan.
Pinagtanggol ko na ang sarili ko, pero walang naniniwala. Sinasabi ko ang katotohanan pero pilit nilang dinidiin ang hindi naman totoo. Pinapanindigan ko ang mga nagagawa ko, lalo na ang mga aksyon ko. Pero ngayon hindi ko alam kung ano na ang gagawin.
Lalo na't alam kong ang tingin nila sa akin ay isang cheater parin. Walang bago, hindi daw ako nagbabago kahit sumusubok na ako. Bakit kaya gano'n? Kahit nagpapakita na ng pagbabago ang isang tao at sumusubok pero 'yong tingin parin ng iba sayo ay gano'n parin, mas nakatuon lang sila sa mga naunang pagkakamali mo at iniisip na hindi ka na magbabago?
Bakit may mga taong gano'n ang isip? Ngayon ay sigurado akong mapagsasabihan ako. Sanay naman na ako pero ang hindi ko matanggap ngayon ay mapagsabihan sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Nagkaayos na kami ni mama, ayos na kami at nangako pa akong hindi na nga uulit sa mga pagkakamali ko pero paano ngayon kung malalaman nyang naulit na naman?
Papakinggan kaya ako ni mama sa sasabihin ko o paniniwalaan nya ang nga guro ko na nag-susumbong sa kanya lagi?
Napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng principal office.
Tumambad sa akin ang seryosong principal namin at nagulat yata sa pag-pasok ko. Yumuko ako.
"Good morning po, pinapapunta po ako ni ma'am Isidro dito." sabi ko sa kanya.
Hindi pa man ako nakaka-upo ay may pumasok na at nakita ko si ma'am. Napalunok ako at agad kinabahan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, natatakot na nga ako kasi baka mas mapagbintangan ako kapag ipinilit ko ang punto ko.
Baka mas hindi nila ako paniwalaan. Baka balewalain na naman ang explanation ko.
"What happened?" tanong nang principal sa amin.
"Ma'am, I really have no choice but to bring Ms.Martinez here para mapagsabihan. Ilang beses ko na talaga syang nahuhuling nangongopya, at kahit ilang beses ko mang punutin ang papel nya inuulit-ulit nya parin." ani ni ma'am.
"Is that true, Ms. Martinez?" tanong ng aming principal kaya tinignan ko sya.
Umiling ako agad. Humugot ako nang malalim na hininga para sabihin ang totoo. Kung walang maniniwala, mananahimik nalang ako.
"Hindi po, hindi na po ako nangongopya."
"Napapatingin lang ako kay Crystal kasi naririnig ko syang napapabuntong hininga, I'm curious and at the same time worried about her, atsaka nakukuha nya kasi talaga ang atensyon ko dahil magkatabi kami."
"Pero hindi po ako nangongopya sa kanya. I reviewed at ang mga sagot ko ay sariling sikap ko 'yon. Hindi na po ako nangongopya dahil nangako na ako sa seatmate ko at sa parents ko, nangako ako sa sarili kong magbabago na ako." paliwanag ko sa harap nila.
If they wouldn't believe me then it's okay. I'll never push my side anymore, it is enough that I tried to say the truth.
"I saw you, Daniela. Hindi naman ako mag-rereact ng gano'n kung hindi talaga kita nakitang nangongopya." tumango nalang ako sa sinabi parin ng guro ko.
Siguro may tao talagang hindi maniniwala sa sinasabi mo at hindi ko na kailangan pilitin silang maniwala. I will waste my time and I will waste all of my energy kapag pinilit ko parin.
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Teen FictionStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...