Chapter 14
Confirm
"Ayos ka lang?" he asked.
Mabilis kong iniwas ang aking tingin pero nanatiling nakatayo sa harapan nya. It was like I am hardly breathing, there's something in my chest---in my heart. Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?
We've been so close together many times, tumatagal din naman ang titig nya sa akin at gano'n din ako sa kanya. Pero wala akong nararamdaman na ganito noon.
"Umuwi ka na," sabi ko sa medyo hindi klarong boses.
"Uuwi din ako kapag sinabi mong okay na tayo." naipit ko ang pareho kong labi at bahagyang lumayo.
Hindi naman ako tumakbo pero pakiramdam ko ay hinihingal ako. I felt uneasy in front of him, ngayon ko lang 'to naramdaman. Pero bakit? Anong meron?
"O---okay na tayo, uwi ka na." mabilisan kong sabi kahit na halatang hindi tuwid ang pagkakasabi ko dahil sa kaba.
Dahil patuloy paring dumadagundong at umiingay itong puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Sure?" unti-unting sumisilay ang kanyang ngiti sa kanyang labi na syang malimit ko lang makita.
"Oo." napalunok na naman ako at umiwas na naman ng tingin.
Shit! Anong nangyayari sayo Daniela? Bakit parang kinakabahan ka? Hindi naman nakakatakot itong si James? Bakit naman ako matatakot diba? Bakit halos manigas at gusto ko ring umalis ngayon sa harapan nya? Dahil ba sa ginawa nyang paghawak sa buhok ko ay nagkakaganito na ako?
"Dan?" mabilis ko syang nilingon nang tawagin nya ako.
"Hmm?"
Humakbang sya kaya lumaki ang mata ko at parang ayaw ko syang lumapit sa akin pero huli na ang lahat nang mabilis nya akong yinakap.
Kanina ay pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin sa katawan. Ngayon ay tuluyan na yatang nawala ang hangin, I stopped breathing. I'm stunned while he's hugging me.
Wala akong ibang maramdaman kundi ang mabilis na tibok ng aking puso. Sana hindi nya nararamdaman ang tibok ng puso ko dahil sa lapit ng dibdib nya sa dibdib ko. Sana wala syang naririnig habang yakap ako.
Hindi ako gumalaw habang yakap nya parin ako. Hindi ko din alam kung ano ang gagawin dahil gulat ang buong sistema ko sa ginawa nya.
Halos yata mag-dasal na ako sa mga santo nang hindi parin sya kumakawala sa pagkakayakap sa akin. But when he already distance his self to me even I felt weak looking to his eyes, I still tried just to show him that I'm not happy of what he did!
"We're friends right?" masaya nyang sabi.
Joy can felt through his voice and he also smiled at me again that he barely do! Natulala nalang ako dahil sa ngiti nyang minsan lang magpakita pero kapag nakita naman ay talagang mapapatulala ka sa kanya. He attracts a lot when he smiles.
"Yeah, now leave." utas ko.
Ngumuso sya at napatingin sa daan bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Thank you, ahh...bukas babalik ako." dahan dahang tumaas ang dalawang kilay ko at paglaki ng aking mata bago bumukas ang labi.
Una ay hindi ko naintindihan o hindi agad pumasok sa utak ko ang sinabi nya. Nilamon nalang ako ng gulat sa narinig hanggang sa natutulala nalang sa kanya.
"Teka, bakit na naman? Nagkaayos na tayo kaya wala ka nang dapat balikan dito bukas. Sabado bukas." sabi ko sa kanya.
Ano na naman kaya ang iniisip nya o ang gusto nyang gawin kung babalik sya dito bukas? Ano bang binabalak nya bukod sa galawin ang buhok ko at ang yakapin ako bigla-bigla?
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Ficção AdolescenteStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...