Chapter 19

52 3 0
                                    

Chapter 19

Weird



Napakurap kurap ako nang wala na si James. Napabuga ako ng hininga at naupo sa upuan. Pinunasan ko din ang aking noo at napalunok.

Ano 'yon? Anong sinabi n'ya? Napalingon ako sa pinto kung saan s'ya lumabas. Nagulat ako sa lahat, nagulat ako sa mga sinabi n'ya at lalong lalo na sa gusto n'yang mangyari.

Gusto n'ya akong manuod ng laro n'ya bukas. Gusto n'ya rin akong mag-cheer sa kanya, mag-bigay ng tubig at mag-punas ng pawis n'ya! Seryoso ba talaga ang isang 'yon? Ano bang nakain no'n at gano'n nalang mga nasabi n'ya sa akin?


Matagal akong nag-isip at natulala dahil sa nangyaring usapan namin ni James.

"Kapagod talaga," bumuga ng hangin si Wilbert at naupo sa upuan.

Nandito kami ngayon sa plaza at tumatambay na muna. Nag-yaya silang tumambay dahil maaga pa naman at wala na silang laro. Bumili narin kami ng mga pagkain namin sa 7/11.

"Edi magpahinga ka." sagot naman ni Reyla sa kanya.

"Ito na nga oh! Nagpapahinga na diba? Anong tawag mo dito?" tanong naman ni Wilbert sa kanya kaya sumama na agad ang tingin ni Reyla.

"'Wag kang kakain ng burger ha! Ako bumili n'yan!" inirapan s'ya ni Reyla kaya agad namang tumayo si Wilbert sa upuan.

"Teka lang, biro lang. Patikimin mo naman ako ng burger mo." ngumuso ito sa harapan namin habang nakatingin kay Reyla na agad ngumiwi.

"Gago! Ang pangit mo! Lumayo ka sa akin!" sigaw ni Reyla.

Tumawa kami dahil sa ginagawa ng dalawa.

"Oo na pangit na! Palibhasa mga tipo mo ay si Cris eh! May abs!"

"Gusto mo na naglalaway ka lagi!" nabaling naman ang mata namin kay Cris na panay na ang kain.

"Oh nananahimik ako dito! Ako na naman dinadamay mo eh!" reklamo nito habang puno ang bibig.

"Pero guwapo naman talaga ako atsaka hot kaya halata namang magugustuhan ako ni Reyla." yabang nito.

"Isa ka pa! Alam n'yo kayong mga lalaki, ang yayabang at kakapal ng mukha n'yo kapag alam n'yong guwapo kayo!" tinuro nya ang tatlong kasama naming lalaki.

"Teka, nadadamay yata ako?" sabat na ni Jay.

"Ay siyempre, lalaki ka diba?"

Napakurap kurap nalang ako sa harapan nila at nanunuod. Masyado na kasing occupied ang utak ko at malalim din ang iniisip. Pero dahil maingay sila ay nakikinig ako at nanunuod nalang.

"Hindi naman ako mayabang." depensa agad ni Jay.

"Guwapo ako pero hindi ako mayabang." dagdag n'ya kaya tumaas ang gilid ng labi ko.

"Diba, Maria?" tinignan nya ako at saktong naka-taas ang gilid ng labi ko at naniningkit pa ang mata.

"Tumigil ka, huwag mong itanggi ang katotohanan." sabi ko nalang kaya ngumiwi s'ya at kumagat sa burger n'ya.

"Oh see?! Mayayabang kayo kasi alam n'yong guwapo kayo. Puro lang din naman kayo yabang." umirap si Reyla kaya tumango-tango lang din ako at kumagat sa burger.

"Kapag nagugustuhan naman kayo ng mga babae, gusto niyo parin na hinahabol kayo kasi nga mataas din pride n'yo! Gusto n'yo babae mag-habol kasi guwapo kayo!"

Nagkatinginan na kaming apat dahil nagugulat at naguguluhan na kami sa sinasabi ni Reyla na parang may malalim na pinanghuhugutan sa lahat ng sinabi n'ya.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon