Chapter 26
Sad song
"Anak, kain na tayo." masayang sabi ni mama.
"Ma! Bakit nandito si James?" agad kong tanong at talagang hindi nagugustuhan na nandito siya ngayon.
"At anong sinasabi niya na dito na siya titira?"
Kumukunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa desisyon nila. Nagkatinginan sila mama at papa at si James naman na nakayuko.
"Anak, napag-desisyonan kasi namin ng papa mo na gawing school boy si James dito sa atin. Kami narin na bahala na gumastos sa kanya habang nag-aaral siya, bilang tulong sa parents niya." ani ni mama.
"At para hindi na siya mag-trabaho sa restaurant." dagdag ni papa.
Napailing ako at kumukunot parin ang noo. Hindi makapaniwala sa sinasabi nila.
"Hindi ka ba masaya na nandito ang manliligaw mo?" ngising tanong ni papa.
"Hindi ko na siya manliligaw, papa." mabilis kong sagot at umupo na.
Nagulat sila sa sinabi ko. Pero hindi ko na pinansin. Nakakainis ito, panay na nga ang iwas ko sa eskwelahan sa kanya ngayon ay nandito pa siya! Eh saan na ako pupunta? Nag-sandok nalang ako ng pagkain. Naupo naman sila mama at papa at kahit si James na tahimik lang at hindi makatingin sa amin.
"Huh? Teka, paanong nangyari na hindi mo na siya manliligaw?" naguguluhang tanong nila.
"Iba na nililigawan niya, baka si Crystal na." sagot ko na hindi sila tinitignan.
"Totoo ba 'to, James?" pakinig kong tanong ni mama.
"Hindi po, pasensiya na po. Hindi pa po kasi kami nagkakaayos ng anak niyo. Pero nanliligaw pa po ako." aniya sa mahinhin at magalang na boses.
Umirap ako at tinignan siya. "Huy! Hindi ka na nanliligaw sa akin. Si Crystal na ligawan mo total nahalikan ka na niya at nag-enjoy ka naman." mataray kong sabi.
Hindi ko na inisip na naririnig kami ng ibang katulong at kahit sila mama at papa. Nagpatuloy ako sa aking pagkain, binibilisan ko na. Natahimik naman si James.
"Mukhang may problema kayong dalawa. Puwede niyong pag-usapan 'yan pagkatapos ng dinner natin." sabi ni papa.
"Oo nga, kapag may problema dapat pinag-uusapan." dagdag naman ni mama.
Umiling ako. "Wala na po kaming problema. Tapos naman na kami." pinunasan ko ang aking labi at tumayo. Tapos na akong kumain.
Habang si James ay hindi gumagalaw, nakayuko lang. Tinignan ako nila mama at papa.
"Daniela," tawag ni papa.
"Pa, pahangin lang ako." paalam ko at tumalikod na.
Bahala siya, naiinis nalang ako lalo. Siguro kung ayos pa kami ngayon ay talagang matutuwa ako kung nandito siya at kung malalaman ko na dito na siya titira aba talagang mas matutuwa ako. Baka magpa-letchon pa ako!
Pero hindi kami maayos. Hindi kami magkakaayos! Naiinis ako lalo, lalo na't kapag nakikita ko siya naaalala ko lang talaga ang halikan nila ni Crystal.
Kung maka-asta nga si Crystal sa school ay parang walang nangyari. Na para bang hindi niya nakitang nakita ko ang ginawa niya. Hindi ako basta basta nagagalit pero sa sitwasyon na iyon ay hindi ko na makilala o matukoy ang sarili ko. Lalong lalo na ang nararamdaman ko, gulat at nasaktan.
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Teen FictionStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...