Chapter 1

334 19 2
                                    

Dedicated to SEA_GM. Enjoy

Chapter 1

Sorry

"Get off,"

Nakagat ko ang aking labi at kahit dinig ko ang sinabi nya ay hindi ko parin nagawang umalis.

His serious facial expression made me nervous. Hindi nya naman ako tinutulak, hindi din sya makatingin sa akin pero halatang iritado sya sobra.

"Ahmm... I'm sorry." sabi ko agad.

Naihian ko sya. Naihian ko. Anong gagawin?! Shit.

Gagalaw na sana ako para maka-alis sa pagkakapatong sa kanya pero hinawakan nya ang braso ko at marahan akong inalalayan na maka-alis sa ibabaw nya.

Napalingon agad ako sa paligid dahil inisip ko baka may nakatingin sa amin pero mabuti nalang at wala.

Tumayo ang lalaking nabangga ko at inayos ang bag nya. Akala ko ay aalis pero hinarap nya ako ulit at inilahad ang palad nya.

Nalito ako at pinagtitigan pa sya dahil hindi naman sya nakatingin sa akin pero nakalahad ang palad nya.

"Ahmm? May hinihingi ka ba sakin?" tanong ko.

Tinignan nya ako at tumaas agad ang kilay nya.

"Gusto kitang tulungan sa pag-tayo," malamig nitong sabi at binawi agad ang kamay na nakalahad.

"Ah hindi na," agad akong tumayo.

"Kaya ko naman, hindi ako lumpo." I tried to joke but his serious face never changed.

"Okay." aniya nalang at tinalikuran ako.

Nakagat ko ang labi ko at napaglaruan nalang ang kuko sabay lunok. Gusto ko pa sana mag-salita pero nahihiya na ako. Kinabahan ako nang sobra, ngayon ko lang 'to naramdaman.

My heart is now pounding hard, I felt something strange in my stomach. Nanginginig din ang katawan ko, it's like I've been electrified.

Pero bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin? Tapos ang epekto sa akin ay ganito, nakakahiya.

Lumabas akong banyo na wala nang energy. Tumingin ako saglit kay Jay na nag-hihintay sa akin sa labas at agad namang nag-iwas. Narinig ko syang bumuntong hininga.

"Okay ka na? Tara na, balik na tayo sa classroom. May klase pa." aniya at hinihintay akong gumalaw.

"I'm sorry," bulong ko.

"Para sa?"

"I'm sorry." tinignan ko sya.

"Bakit ka nag-sosorry sa akin?" naguguluhan nyang tanong.

"Kasi...kasi kailangan mo pang gawin 'to para sa akin." hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil nahihiya talaga ako.

"Okay lang, parang panty mo lang eh. Doon ka mag-sorry sa naihian mo." agad syang nag-pigil nang tawa dahil sa sinabi.

Mas lalo akong nahiya at tila ayaw ko nang umalis sa pwesto ko. Ang lalaking nabunggo ko kanina ay ang lalaking naihian ko, tila ginawa ko syang cr dahil biglang lumabas ang ihi ko. Ihing-ihi na ako at dahil sa nangyari bigla nalang...bigla nalang akong naihi.

At dahil kailangan kong mag-palit si Jay pa ang pinakuha ko nang underwear at jogging pants ko sa locker dahil baka may maka-amoy sa akin at may makakita na basa ang suot kong palda.

"Kawawa naman sya, nabinyagan ni Maria." natawa sya sa sinabi kaya sinamaan ko sya nang titig.

"Talagang aasarin mo pa talaga ako? Hindi mo manlang ako icocomfort?" ngumuso ako.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon