Chapter 17
Fan
Yinakap ko ng mahigpit ang aking unan. Halos itago ko ang aking mukha, I let my tears run through my cheeks. Nabasa ng luha ko ang aking unan at dinama ang sakit na nunuot sa aking dibdib.
Bahagya pa akong humikbi at napapikit. I remembered what he said.
"Sorry,"
"Kaibigan at seatmate ang turing ko sayo."
"We are still friends, 'wag kang mailang sa akin."
Hindi naman ako umaasa na magugustuhan nya talaga ako, hindi naman ako sobrang nag-expect sa kanya. Pero nandito 'yong pakiramdam na sana magustuhan nya din ako, sana nararamdaman nya rin ang nararamdaman ko.
Bakit kaya may gano'n? Ang taong gusto natin na magustuhan din tayo ay ang taong ayaw pa sa atin? Tanggap ko na hindi ako ang tipo nya, dahil malayo sya sa akin.
Matalino sya, ako hindi. Masipag sya, ako tamad. Academic achiever sya, ako nangongopya lang. Hinahangaan sya ng lahat, samantalang ako maraming nadidisappoint sa akin. Guwapo sya at talented, ako maganda lang...ganda lang ang meron ako.
Napatihaya ako at tinignan ang kisame ng kuwarto ko. Mas nag-tuloy tuloy ang pagbagsak ng aking luha dahil nasasaktan ako.
Ang sakit pala na hindi ka manlang gusto ng lalaking gusto mo. Ang sakit pala na kahit alam mong hindi ka naman nya talaga magugustuhan pero kapag galing na sa kanya na hindi ka nya gusto ay mas masasaktan ka. Ang sakit kasi ganito, kasi alam kong may umaasa pa sa akin. Umaasa na sana...sana magustuhan nya rin ako kahit isang araw lang.
Umiyak ako buong gabi. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod nalang ang mata ko at makatulog.
Nang umaga na ay imbes na mag-commute ako papasok sa school ay pinili ko nalang na magpahatid.
Bumaba ako sa aming sasakyan at diretso lang ang lakad papasok sa school. Maraming mga estudyante at halos lahat ay naka-sports attire. Nag-sisimula na pala ang practice sa sports dahil nag-re-ready na para sa intramural namin.
Mabilis akong pumasok sa classroom para hanapin si Jay. Akala ko ay nandito na sya pero wala pa at ang tumambad lang sa akin ay ang seatmate ko.
I gulped and looked away. He's looking again and I don't know what to do now. Taksil ang puso ko sabi ko 'wag na tumibok sa kanya pero nadismaya na naman ako dahil ito at malakas syang tumitibok ngayon dahil kaharap ko si James.
"May meeting ang mga teachers ngayon," he started.
I just nodded and put my bag on my seat. Hindi ko sya tinignan kahit na kinakausap nya ako.
"You're late." puna nya sa akin.
Ngayon ay mukhang mapipilitan akong mag-salita at kausapin sya dahil sya naman ang nauunang mag-simula ng usapan. Sinubukan kong tumingin sa kanya saglit bago muling umiwas.
"20 minutes late lang, at wala namang klase ngayon." sabi ko.
Walang klase kasi busy na lahat for intramural. Kaya ayos lang na malate ako ngayon.
"There's some announcement a while ago," aniya pa.
"Kay Jay nalang ako mag-tatanong, sigurado akong alam nya." sagot ko at handa na sanang lumabas sa room pero nagsalita parin sya.
"Bakit kay Jay pa kung kaya ko namang sabihin sayo. I'm here." he said.
"Baka busy ka, may practice?"
I don't know why he's still like this. Alam nyang gusto ko sya at siguro alam nyang nasaktan ako kahit papaano sa usapan namin kahapon? Sana alam nya 'yon.
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Teen FictionStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...