Chapter 8

104 8 0
                                    


Chapter 8

Papansin

"Kinukulit mo kasi, Daniela. Ayan, nainis si James sayo." masama na naman ang tingin sa akin ni Crystal.

"Teka, hindi naman si Daniela ang dahilan bakit nainis si James." tanggol sa akin ni Wilbert.

"Oo nga, nainis sya kasi inaasar namin." dagdag pa ni Mae na sinang-ayunan ng lahat.

"Kung wala si Daniela, sigurado naman akong hindi nyo aasarin si James. Pero kita naman natin diba? Lagi nyang kinukulit si James at maraming tanong kaya naiinis ang tao." katwiran parin ni Crystal sa harapan naming lahat.

Kinukulit ko nga sya pero ako nga ba ang dahilan kaya sya naiinis ngayon? Dapat may gawin ako, no'ng ako ang umiiyak pinuntahan nya ako. Dahil sa ginawa nya ay gumaan ang pakiramdam ko at hindi na inisip ang mga nangyari.

Baka kaya kong matulungan si James kung ano man ang problema nya.

Huminga ako ng malalim at lumabas din ng classroom at hinabol si James.

Chinecheck ko lahat ng sulok na dinadaanan ko para mahanap sya. Malapit na rin mag-start ang klase namin at kailangan ko syang makita agad kung hindi ay baka absent sya sa unang klase palang.

Nag-punta na ako sa lugar na pwedeng mapuntahan o madaanan ni James pero hindi ko sya nakita.

"Hala, start na ang klase!" gulat kong sabi at natakpan pa ang labi nang makita ko ang oras sa aking cellphone.

Maraming nagulat sa akin pero agad na akong tumakbo pabalik sa aming classroom. Pagkadating ko ay lahat napatingin sa akin lalo na ang guro namin.

Napalunok ako at yumuko at mabilis na umupo sa aking upuan at nilingon si James na nandito na pala.

"Hindi ka late?" tanong ko sa kanya.

Nadismaya ako dahil hindi nya ako sinagot.

"James, may problema ba tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi nya parin ako pinansin.

"Ako, Daniela hindi mo ba ako tatanungin kung may problema ba ako sayo?" napalingon ako kay sir na nag-tanong.

"Sir, wala tayong problema. Hanggat hindi ka po nag-bibigay ng quiz wala tayong problema." ngumiti ako sa kanya na tinawanan ng mga kaklase ko.

"Ay gano'n? Paano kung bigyan ko kayo ng quiz ngayon?" agad akong napatayo sa sinabi ni sir.

"Teka po, wala kang maibibigay kasi hindi ka naman nag-tuturo." nag-ingay ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko.

"Real talk, from Daniela!" humagalpak ang lahat dahil sa sinabi ni Wilbert.

Dahil friday na ngayon ang unang subject namin ay P.E. Hindi naman lagi pumapasok sa klase si sir kaya wala talaga syang maibibigay na quiz unless kung gagawa sya kung trip nya. Pero wala din naman kaming maisasagot dahil wala pa syang naituturo.

"At dahil na-real talk ako ni Ms.Martinez, hindi nga ako mag-bibigay ng quiz sa inyo." aniya.

"Yes!" napakuyom pa ang kamay ko sabay sigaw na syang sinabayan naman nang mga kaklase ko.

Natuwa agad kami sa sinabi ni sir. Ito na yata ang laging gusto namin na announcement nang mga guro namin. Ang malaman na hindi sila mag-bibigay ng quiz.

"Pero....Pero, syempre magkakaroon kayo ng activity sa akin." aniya

"Ay sir, okay lang! Kaya namin 'yan, activity lang pala eh!" masigla kong sabi habang nakatayo parin.

"Activity nalang sir, 'wag na ang quiz."

"Oo nga po, para masaya tayong lahat. 'Di ka pa maii-stress sir." dagdag ko sa sinabi ni Mae.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon