Prologue

636 25 13
                                    

Dedicated to etherealeam. Enjoy

Prologue


"Nandyan na si ma'am!" malakas kong sigaw sa may pinto ng classroom namin.

Agad nagulat ang mga kaklase ko at kumaripas nang takbo pabalik sa kanilang mga upuan. Ang mga kumakain ay agad inubos ang kinain at may iba na itinago sa bag. Ang mga matatalino ay agad na nilabas ang mga libro at notebook at nag-ready. Ang mga chismosa at chismoso ay agad natahimik.

Ngumisi ako sa kanila at nag-lakad pabalik sa aking upuan.

"Hala, hindi pa ako tapos sa assignment ko!" sigaw nang isa kong kaklase.

Agad silang nag-ingay ulit habang ako ay natatawa.

"Nandyan na ba si ma'am? Malapit na? Tignan nyo!" sigaw nila at may iilan na sumilip sa pinto.

Pigil ang tawa ko habang takip ko pa ang aking mukha. Mga uto-uto talaga.

"Wala naman," sabi nung sumilip sa pinto.

"Daniela talaga!" sigaw nila sa akin at tinignan ako nang masama kaya tumawa ako.

"Joke lang." sabay peace sign.

"Kinabahan ako, wala pa talaga akong assignment. Pakopya nga, Daniela." hinila sa akin nang isa kong kaklase na lalaki ang notebook ko.

Mabilis nyang nililipat ang mga pahina nito kaya nag-palumbaba ako habang pinapanuod sya.

"May nakita ka?" tanong ko habang tinitignan parin sya.

Kumunot ang noo nya habang patuloy sa pag-hahanap nang assignment ko sa mga pahina nang notebook.

"Teka lang, hinahanap pa nga." sagot nya.

"Ibang notebook mo nasaan?" ibinalik nya sa akin ang notebook ko.

"Wala ka bang nakita?" tanong ko ulit.

"Wala nga, baka nasa ibang notebook mo naisulat assignment mo? Bilis, pakopya na baka dumating si ma'am." nagmamadali nitong sabi sa akin.

"Exactly, wala kang nakita so it means...." ngumisi na naman ako, ngumuso agad sya.

"Don't worry, hindi ka nag-iisa. Wala din akong assignment." natawa na naman ako kaya inirapan nya ako sabay tayo at lumayas.

"Kainis ka." aniya kaya tinawanan ko lang sya.

"Sigurado ka ba dyan? Ayaw mong gumawa?" tanong sa akin nang nasa unahan ko.

"Ayoko, tinatamad ako. Hindi ko din naman gets tinuturo ni ma'am kahapon."

Tumango nalang ang kaklase kong babae at bumaling na sa harapan.
Tumingin nalang ako sa bintana at pinapanuod ang nasa labas.

Ipinatong ko sa taas nang labi ko ang aking ballpen at pinaglalaruan nalang.

Boring naman dito. Matagal pa si ma'am. Hula ko, hindi na sya darating.

Agad nalang akong tumayo at lumapit sa mga kaklase ko at nakisali sa kanila.

"Huy, alam nyo ba?" tanong nang isang kaklase ko.

"Syempre hindi pa, wala ka pa namang sinasabi." sagot ko agad.

Matalim nya akong tinignan.

"Exactly, Daniela. Kaya patapusin mo ako." gigil nyang sabi.

Natawa ang mga kaklase ko at kahit ako ay bumingisngis at umupo sa arm chair at nakinig sa usapan nila.

"Nabuntis daw iyong babae na lagi nating bina-back stabbed." bulong ni Mae.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon