Chapter 6

107 11 0
                                    

Dedicated to Midnightmintchoco. Enjoy

Chapter 6

Titig

Para akong bata na tumatakbo habang patuloy ang pag-punas ng luha na umaagos sa aking pisngi.

Nag-hanap ako ng lugar kung saan ay walang tao. Napadpad ako sa rooftop at doon nalang muna naupo at hayaan ang sarili ilabas ang lahat ng sakit.

Sinusubukan ko na eh. Sinubukan ko nang mag-bago at maging maayos, nasa unang hakbang palang ako para itama ang sarili ko.

Willing naman akong mag-bago, willing akong matuto. Pero bakit? Bakit kahit sinusubukan na natin maging maayos may tao paring huhusgahan lang tayo at focus lang doon sa pagkakamali natin?

Bakit may mga tao na imbes na tulungan tayo maka-ahon ay mas nilulunod tayo?

Why there's such people in this world that is so insensitive by others feelings? Bakit may mga taong minsan nakakalimutan ang salitang respeto?

Niyakap ko ang aking tuhod at patuloy ang hikbi. Sakto na lunch time na, 'yun ang last subject namin ngayong umaga. Kaya okay lang na nandito muna ako. Hindi naman ito cutting.

"Tumutulo sipon mo," mabilis akong napatingala sa taong nag-salita.

Nasa loob ng bulsa nya ang isa nyang kamay at ang isa ay nag-aabot ng panyo sa akin. Habang ang mukha nya ay normal nang malamig ang tingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko at sininghot ang sipon at pinunasan ang pisngi ko at ang ilong ko gamit ang kamay lang.

"Dugyot," bulong nya at tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit ba?" mahina ko paring tanong.

Ano kaya ginagawa dito ni James at bakit nandito sya? Sinusundan nya ba ako?

"Sinusundan mo ako?" tanong ko pa dahil hindi sya sumasagot.

"Oo." mabilis ko syang tinignan.

"Bakit? May kailangan ka sa akin?" umihip ang malamig na hangin at bahagya pang hinangin ang buhok nya.

"Nangangawit na ang kamay ko, ayaw mo bang tanggapin ang panyo?" tanong nya.

Nakagat ko ang labi ko at agad na kinuha ang panyo nyang inaalok sa akin. Pinagtitigan ko ang panyo nya.

"Hindi maaalis 'yung sipon mo kung tititigan mo lang 'yung panyo." aniya kaya masama ko syang tinignan.

"Alam ko naman," ngumuso ako.

Tumabi sya sa akin at saglit akong tinignan.

"Punasan mo na nga 'yan, tumutulo." iritado nya nang utos sa akin.

"Okay lang na gamitin ko panyo mo?" tanong ko at mas naguhit ang iritasyon sa mukha nya.

"Sa tingin mo binigay ko 'yan para titigan mo lang?" galit agad?

"Ito naman nag-tatanong lang, inis ka agad don?"

"Punasan mo na kasi, kadiri oh." tinuro nya ang ilong ko.

Agad ko nalang pinunasan ang sarili ko para tumigil na sya sa pagrereklamo.

"Ikaw rin pala ang isa sa mga photographer sa group natin sa art. Since, kailangan natin ng mga pictures." tumango nalang ako sa sinabi nya.

"Sige, akong bahala."

"Importante ang mga events na magaganap sa school natin at dapat doon din sa pictures tayo, baka kasi iba ang picturan mo." tumango tango lang ako sa sinabi nya sa akin.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon