Chapter 25
School boy
"Daniela!" I heard him.
Alam kong hinahabol niya ako. Lumakas ang ulan, ang daan ay hindi na halos maaninag ng maayos dahil sa malalakas na bagsak ng ulan. I am wet but I never stop walking under the rain with this pain.
They kissed...He let her to kiss him.
Mabilis akong napaikot paharap sa kanya nang hilahin niya ang kamay ko.
Basang basa din siya at habol ang hininga dahil sa pag-habol sa akin.
"Sumilong tayo," aniya at sinubukan akong hilahin ngunit hinila ko ang braso ko.
Lumayo ako sa kanya at masama siyang tinitigan. Alas singko na ng hapon at wala na halos estudyante dito dahil nag-uwian na at maulan pa.
"Layuan mo ako!" sigaw ko at tumalikod ngunit mabilis siyang humarang kaya umatras ako.
Nasa harapan ko na naman siya at kahit malakas ang ulan at patuloy ang pag-agos ng tubig sa kanyang mukha ay kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. He's guilty!
"Dan, sumilong tayo. Mag-uusap tayo," malumanay niyang sabi.
Umiling ako sa sinabi niya. Mag-uusap? Parang hindi ko kaya. Ayokong maka-usap siya. Ayokong makita siya, gusto ko na ngang umalis. Uuwi na ako!
"Si Crystal ang kausapin mo! May practice pa kayo diba? Bakit ka nandito?!" sigaw ko.
"Dan, please silong muna-----"
"Sumilong ka mag-isa! Balikan mo si Crystal! Baka kulang pa ang halikan niyo!"
"Nag-eenjoy ka diba? Puwes, bumalik ka! Maghalikan kayo hanggang umaga!"
Napahikbi ako sa sinabi ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at ang mata kahit na umaagos naman sa mukha ko ang tubig ulan. Naghahalo ang luha ko sa ulan.
"Daniela, hindi ako nag-eenjoy!" sigaw niya.
Umiling ako. "Sinungaling! Nag-eenjoy ka! You let her kiss you! Ano masarap humalik? Masarap ang labi niya?!"
Sa bawat sigaw ko sa kanya ay ako ang mas nasasaktan! Bakit ganito 'to? Bakit ang sakit nito!
Ang sakit na parang nakakamatay, nakakapanghina at nakakabaliw!
"Sumilong muna tayo at mag-uusap! I'll explain!" malakas ang boses niya dahil malakas ang ulan.
"Uuwi ako, ayaw kitang makausap!"
"Practice pala para sa foundation day? Mukhang iba naman ang prinapraktis niyo!" sigaw ko at nilagpasan siya.
"Daniela!" sigaw niya pa at hinabol ako.
Nang mahawakan niya ako at mabilis ko siyang itinulak at imbes na siya ang matumba sa malakas na tulak ko ay ako ang bumagsak sa lupa.
Dahil maulan, saktong napaupo ako sa maruming tubig. Nadumihan ang damit ko, nadumihan ako. Nawalan ako ng balanse sa malakas na pagkakatulak ko sa kanya.
Agad siyang nag-alala sa akin at nag-squat, hinawakan niya ako sa aking braso upang maitayo ngunit pumiglas ako.
Humikbi ako lalo dahil sumakit ang tuhod ko sa pagkakatumba. Pakiramdam ko nasugatan ako sa nangyari.
Kusa akong tumayo nang hindi tinatanggap ang tulong niya. Napatayo din siya at ngayon ay hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Mga bobo!" malakas na sigaw ni Jay ang narinig namin.
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Teen FictionStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...