Chapter 29

55 3 0
                                    

Chapter 29

Halik


"Ayoko na, pagod na talaga ako." napasandal ako sa aking upuan at hinilot ang sentido ko.


Dalawang araw na kaming nag-rereview para sa darating na exam namin. Ganito ba si James mag-review isang week talaga bago ang exam? Inuubos niya ang free time niya sa pagbabasa lang.

Samantalang ako noon ay isang araw bago ang exam nag-rereview o 'di kaya ay isang oras bago mag-simula ang exam. Tapos siya isang linggo na mag-rereview! Ang dami dami, ang hirap pa lahat isiksik sa utak ko.

"Puwede kang magpahinga, uso naman iyon." binalingan ko siya ng tingin na seryoso parin sa binabasa.


"Alam mo naiinis na ako sa'yo," sabi ko.

"Bakit?" tanong niya habang nagbabasa parin.

Hindi niya ba kayang bitawan ang librong binabasa niya habang kinakausap ko siya?!

"Dinadamay mo ako dito, dati hindi ko naman 'to ginagawa. Ayoko na!" itinulak ko ang mga papel at libro na masa harapan ko palayo sa akin.

Natigilan na siya, ayan kailangan ko palang itulak palayo ang mga libro para lang tignan niya ako. Malamig ang tingin niya at alam kong malalim na naman ang iniisip.

Ang hirap palang makipag-sabayan sa mga matatalinong  kagaya niya. Napipilitan tuloy akong gawin ang mga bagay na hindi ko gusto.

Gusto ko namang makasabay sa kanya sa pag-review pero nawawalan na ako ng energy. Sumasakit na ang ulo ko, halos maiyak na ako dahil pakiramdam ko ay ang bobo ko. Kahit na kompleto naman na ang explanation at examples ay hindi ko parin matandaan at talagang ma-master ang lahat.

Mas mabilis kong kalimutan. Tinatamad nalang ako. Mas gusto ko nalang matulog kaysa ang gawin ito. Paulit-ulit lang naman.


"Sinasanay mo kasi ang sarili mo. You are out of control of yourself." aniya.

Humaba ang nguso ko. "James, nakakapagod! Sumasakit na ang ulo ko!" halos sabunutan ko na ang sarili ko.


Nandito pa kami ngayon sa sala, patuloy ang pag-rereview. Nasa kuwarto na nga sila mama at papa. Natutulog na ang mga 'yon. Tapos kami ay nandito parin, dilat ang mga mata at pilit na pinapagana ang utak.



"Okay okay, kung pagod ka magpahinga ka na. Matulog ka na, hindi naman kita pinipilit." tumaas pa ang kamay niya.

"Pumasok ka na sa kuwarto mo, matulog ka."

Kahit simple lang ang pagkakasabi niya pero alam kong naiinis siya sa akin. Alam kong hindi niya gusto ang mga sinabi ko. Dama ko sa galaw at sa tingin niya.


"Paano ka?"

"Mag-rereview parin, hindi pa ako inaantok." aniya na hindi ako tinignan.

Ngumuso ako at napasinghap nalang. Ipinatong ko ang baba ko sa lamesa at tinignan siya.

"I'm sorry," bulong ko.

"For what?"

"Kasi hindi ako masipag sa pag-review. Sorry kasi ito lang ako."

Mabilis niya akong nilingon, padabog niya pang ibinagsak ang libro sa lamesa at tinignan ako.

"Stop saying that, kairita." aniya at nag-sasalubong ang kilay.

Ngumisi ako. "So, naiirita ka na sa akin?" tanong ko.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon