Chapter 28

58 6 2
                                    

Chapter 28

Dedication



"Bakit parang ayaw niyo kaming nandito?" tanong ni Wilbert na tinitignan kami dalawa ni James.


"Wala naman akong sinabi

Linggo ngayon pero nandito sila sa bahay namin at kumpleto. Nagulat nalang ako dahil tinatawag ako ni manang at sabi ay may mga bisita raw ako.

Nandito si Jay na preskong naka-upo, feel at home. Si Cris na namamangha sa bahay namin. Si Mae na umiinom ng juice at kumakain ng pagkain na hinanda para sa kanila ni manang, si Reyla naman ay tumitingin sa mga pictures na naka-display pati na ang sa mga paintings. At si Wilbert na busangot ang mukha at tinitignan akong matalim din ang titig sa kanya.

"Parang ayaw mo eh, sige uwi na kami." mabilis siyang tumayo at kinalabit ang iba.

"Uwi na tayo, ayaw nilang nandito tayo. Gusto nilang mapag-isa," aniya.

Mas sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin. Wala naman kasi akong sinasabi na ayaw ko sa kanila pero itong si Wilbert parang tanga talaga.


"Umalis ka mag-isa." si Cris.

"Oo nga, kumakain ako oh. Look!" tinuro ni Mae ang kinakain niya.

"'Yan diyan ka magaling, ang kumain!"

Agad napatayo si Mae at mabilis siyang nabatukan kaya napa-aray na naman. Sa asaran na nagaganap sa amin ay nagkakasakitan na. Patuloy ang batuhan at hampasan. Hanggang sa nabaling na naman ang atensyon nila sa amin.



"Mahal ni Maria si James kaya siyempre hindi niya sasaktan! Mga bobo, palibhasa hindi kayo minamahal eh." tumaas ang gilid ng labi ni Jay.

"Wow! Coming from you! Eh hindi ka naman minahal!" natatawang sabi ni Mae.

"Pare-pareho tayo dito! Mga 'di minahal, iniwan, 'di crinushback, at hindi kayang umamin sa mga crush!" si Reyla.

"Gayahin niyo kasi si Daniela, lakas loob na umaamin." si Cris na tinignan ako.

"Well, ayoko lang mag-sayang ng oras. Kung puwedeng sabihin ay sabihin na." tinignan ko si James na ngumiti. Namula pa ang pisngi.

"Yieee, kinikilig si Clifford." natatawang asar ni Jay.

"Ha? Hindi ah," tanggi niya.

"So, hindi ka kinikilig sa akin?" mapanuya kong tanong at mas inilapit ang sarili sa kanya.

Agad nanlaki ang mata niya at mas namula ang tenga. I saw him gulped.

"Dan," namamaos niyang tawag.

"Ano ba! Huwag kayong maghalikan sa harap namin!" sigaw ni Wilbert.

"Huwag kang sumigaw! Masakit sa tenga!" reklamo ni Mae.

"Huwag ka ding sumigaw! Boses ipis ka!"

"Ouch, boses ipis ka raw, Mae. Papayag ka no'n? Hampasin mo, suntukin mo si Wilbert." utos ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Wilbert

"Ikaw pala nag-uutos na saktan ako ha!"

"Teka, ngayon lang." ngisi ko.

"Kahit na!"  sumimangot ito ay mabilis na tumayo para maiwasan ang pag-hampas sa kanya ni Mae.


"Tanga! Alam ko na mga technique mo! Kaya ko na umiwas!" natutuwa ito dahil naka-iwas pero agad namang nabato ni Mae ng unan sa mukha kaya napa-aray.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon