Chapter 30

98 4 3
                                    

Hello, This is the last chapter. I hope po nagustuhan niyo ang kuwento ni Daniela at James. I hope that the lessons and morals  of this story reach you. This isn't that perfect but I promise I'll improve. Thank you for reading!

Chapter 30

Reaching

"Tapos na ako!" masigla at masaya kong sabi at inayos ang notebook.

"Good," ngiting sabi niya.

Tinapos ko na ang last requirements namin sa ibang subjects. Mga projects na kailangan ng ipasa bago ang exam.

"Matutulog ka na?" tanong niya habang may sinusulat.

Mabilis akong umiling kahit hindi siya nakatingin sa akin. Alam ko namang nakikita at nararamdaman niya 'yon kahit 'di direktang nakatingin sa akin.

"Review pa ako sa araling panlipunan," sabi ko at kinuha ang notes na ginawa niya para sa akin.

"Next quarter, hindi mo na kailangang gumawa ng notes sa akin." sabi ko.

Tumigil siya sa ginagawa at tinignan ako. "Bakit naman?" tanong niya.

"Dahil ako na ang gagawa. Ayokong makadagdag pa sa trabaho mo. Kaya ko na, James. Obligasyon kong mag-take down notes dahil estudyante ako." ngumiti siya sa akin at napatango.

Bumakas ang saya sa mukha niya at tila proud na proud dahil sa ngiting malaki. Nakagat niya ang labi at marahan na natatawa.

"Mag-review ka na, ginagahan ako lalo eh. Sana ikaw din." aniya at namumula ang pisngi.

"Sisipagan ko pa lalo, ipapasa ko ang exam, James." bulong ko sa kanya.

Tinignan niya ako ulit at nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Dan, don't pressure yourself too much. Kung ano ang kaya mo ay doon na muna. Huwag masyadong ipilit, baka mapano ka."

Umiling ako. "Kaya ko 'to. Sometimes, I need pressure in order to make lots of things. Kaya mo hindi ba? Kaya ko din. Ipapasa ko ang exam." determinado kong sabi.

"Ang goal ko ay maipasa ang lahat ng exam! Mag-aaral ng mabuti, kahit na walang honors basta pasado at nag-aaral ako ng mabuti okay na ako. Para sa future natin, gagawin ko 'to." natawa siya at pumalakpak pa.

"Tama, para sa future natin." aniya.

"Basta kapag graduate na tayo hahalikan mo ako ah." tinuro ko pa siya.

Mas natawa siya at naibaon ang mukha sa libro. Natawa din ako at yinakap ang unan. Pinapanuod ko siyang tinatago ang tawang-tawa niyang mukha. Kinikilig lang din naman ang isang 'to.

Nang itaas niya ulit ang kanyang tingin at tumingin sa akin at natigilan siya nang mahuli ang tingin ko.


"Review na," aniya.

"Teka, titigan muna kita." umiwas siya ng tingin at nailang agad.

Tumaas baba ang kanyang adams apple. Napangiti ako lalo nang makita ang pumupula niyang pisngi.

"For inspiration," dagdag ko.

"Hmmm...okay." mabilis siyang lumingon sa akin at nagulantang ako nang mabilis niyang inilapit ang mukha sa akin.

Nanlalaki ang mata ko, sabay nang pag-bagsak ng panga ko. Kumalabog ang puso ko at nag-init ang pisngi. Ngumisi siya at tinitigan ang mata ko.

Malalim na titig. Seryoso, nang-aakit! Halos hindi na ako makahinga dahil isang dangkal lang yata ang layo nang mukha niya sa akin! Teka, hahalikan niya na ba ako? Hahalik na siya?!

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon