Chapter 9

102 8 0
                                    

Chapter 9

Nararamdaman

"Hala, pinagpalit ka agad?" napatingin ako sa mga kaklase ko na nang-aasar na naman sa akin.

"Anong pinag-sasabi mo dyan." naiinis kong sabi kay Cris na agad akong tinawanan.

"Pinagpalit ka agad ni James kay Crystal, slow mo naman." aniya sa akin.

"Huy! Paano nya naman ako ipagpapalit? Mag-seatmate parin naman kami ah." mag-uusap lang naman sila.

Hindi ko naman bini-big deal ang lahat ng bagay. Ang mga kilos ngayon ni James ay normal na kilos nya lang. Gano'n naman talaga sya una palang, siguro nagiging OA din ang nararamdaman ko ngayon.

Pero walang sense kung makikinig ako sa sinasabi nang mga kaklase ko. Purong pang-aasar lang naman ang alam nila.

"Nasabi ko na kay James, Mae." agad kong sabi kay Mae na kakapasok palang ng classroom.

"Ah mabuti, nakita ko nga din sila ni Crystal eh. Nag-uusap." tumango ako sa sinabi nya.

"Tungkol kaya saan pinag-uusapan nila?" tanong ko.

"Puntahan mo tapos itanong mo kung ano pinag-uusapan nila." pilosopong sagot sa akin ni Wilbert kaya mabilis ko syang hinampas.

"Eh kung ikaw ang pumunta at ikaw ang nag-tanong?"

"Teka, ikaw ang may kailangan diba? Ikaw dapat ang pumunta----"

"Bla bla bla, manahimik ka." inirapan ko sya na tinawanan nya.

"Oh nainis si Maria Daniela," asar nya sa akin.

Nang naka-upo na ako sa upuan ko ay nakita ko syang hawak ang kanyang cellphone at may ipinakita agad sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang mukha ko.

"Cute mo pala matulog, pero medyo dugyot." tumawa sya at dahil sa ingay nya ay naagaw nya ang atensyon ng mga kaklase ko.

Maraming naki-ususyo sa picture ko ma nasa cellphone ni Wilbert.

Picture ko na natutulog sa desk at bahagyang naka-bukas ang labi na may tumutulo pang laway.

"Daniela, may epic kang picture oh." turo nang mga kaklase ko kaya agad kong sinamaan ng titig si Wilbert.

Patuloy ang pagpapakita nya nang litrato ko sa mga kaklase ko kaya pinagtatawanan na ako. Uminit ang ulo ko sa ginagawa nya at mabilis na lumapit sa kanya.

"Akin na 'yan! Delete mo!" sigaw ko.

Agad syang tumayo at tumalon pa sa mga upuan, tinatapakan nya ang mga upuan na walang umuupo at doon dumaan sabay takbo sa akin.

"Wilbert Cruz!" sigaw ko sa kanya kaya ang boses ko na naman ang umalingawngaw sa classroom.

"Huy! Ang likot nyo!" sigaw ng kaklase namin.

"Wilbert, delete mo 'yan!" patuloy ang pag-habol ko sa kanya.

Natatawa sya habang ginagawang harang ang mga upuan para hindi ako maka-lapit sa kanya.

"Ayoko, treasure 'to nuh." aniya.

"Treasure mo mukha mo! Sabing idelete!"

Kainis, nakakuha pa ng pangit na litrato sa akin itong si Wilbert. Nakakahiya ang pagmumukha ko do'n, alam ko namang maganda parin naman kahit papaano pero ang dugyot lang.

"Ipapakita ko kay James," aniya kaya mas hinabol ko sya.

Hawak nya ang cellphone habang tumatawa na nagpapahabol sa akin.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon