Chapter 18

62 5 0
                                    

Chapter 18

Inis


"Dan,"

Naramdaman ko ang pag-luhod nya sa aking unahan. Takip ko parin ang aking mukha habang umiiyak.

"Sakit mo, ang sakit."

Yes, that's hurt too much. The things that we didn't expect to happened hurt us a lot. Lalo na kapag sa masakit na paraan pinaramdam at pinaranas.

"Let me explain," marahan nya paring sabi ngunit umiling na ako.

"Layuan mo ako." mahina at hindi klarong bigkas ko dahil sa aking pag-iyak.

"Sumasakit ang paa mo, let me help-----" hindi sya natapos sa pagsasalita nang may isang malamig na boses ang nag-salita sa likuran nya.

Agad din akong napatingin sa kinaroroonan ng boses dahil alam kong si Jay iyon.

"Alis na, ako d'yan. Lumayas ka." malamig at galit nyang sabi.

"Zyler, hayaan mo muna akong----"

"Hinayaan na kita! Gago ka ba?! Umalis ka sabi!" ang galit na galit na sigaw ni Jay ay nagpatahimik sa amin lalo na kay James.

Mabilis s'yang lumapit sa amin at agad nahawakan si James sa balikat nito. Napagalaw ako sa aking puwesto at bahagyang umatras. Gulat ang bumakas sa aking mukha nang maaninag ko ang panlilisik ng mga mata ni Jay.

Nahila nya ang damit ni James at naitayo ito.

"Jay," tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon.

Tumindi ang kaba sa aking dibdib habang pinapanuod ang dalawa na magkaharap at kung si Jay ay galit si James naman ay naiinis.

"Tama na, pangalawa mo na 'to. Hindi ko na hahayaan na paiyakin mo pa s'ya!" umere ang kamao ni Jay kaya napasigaw ako agad.

Sa kaba ko na baka masuntok n'ya si James dahil sa galit ay nahubad ko ang isa ko pang heels at naibato sa gitna nila para lang mapigilan ang dalawa sa pagtatalo.

I can't move my feet, pagod na pagod narin ako dahil damang-dama ko ang sakit.

Bahagya silang natigilan at natignan ako ngunit si Jay ay naitulak na si James kaya naupo ito sa bermuda, naitukod ang kanyang dalawang kamay. Tumalim ang tingin nya kay Jay.

"Leave, Clifford." matigas na utos ni Jay sa kanya.

Hindi manlang ako makapag-salita at bahagya nang tumigil ang pag-tulo ng aking luha dahil ngayon ay napalitan na ito ng takot at pangamba na baka magkasakitan silang dalawa.

"Don't demand, don't act like you are the boy friend." bulong ang pagkakasabi ni James pero dahil tahimik ang paligid kung nasaan kami ngayon kaya narinig ko parin.

"I am her best friend, and bestfriend will be there if she's crying, if she's in trouble, and will protect her from a asshole like you, Clifford." diretsong sabi ni Jay.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni James at dahil iritado ay tumayo na s'ya at pinagpag ang dalawang kamay bago ang kanyang damit. I'm just watching them, listening on every words they said.

"Well..." nabaling ang tingin n'ya sa akin.

Napaiwas ako agad at napalunok. I can't look to his eyes, he's hurting me.

"Your superhero....knight in shining armor is here. I guess I should leave, dahil kapag pinilit ko pang lumapit sa'yo madidiin lang na ako ang kaaway dito."

Tumaas ang tingin ko sa kanya at nakita ko sa mga mata nya na hindi nya nagugustuhan ang nangyayari. He's damn irritated and another smirk formed on his lips. He looked away and started to step.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon