Chapter 16

66 6 2
                                    

Chapter 16

Kaibigan

"Gusto kita,"

Pagkatapos kong sabihin ang alam kong dapat kong masabi at ang nararamdaman ko noong mga nakaraang araw pa ay ito ako at nag-pipigil ng hininga.

It was like I am already out of air to breath. I am already stiffened in front of him while watching his steady yet so cold stares.

"A---anong reaksyon mo?" mahina pero biglaan ko nalang tanong dahil nakatitig sya sa akin habang ako ay naghihintay sa reaksyon nya sa sinabi ko.

"Ihi lang ako, need ko na talaga mag-banyo. Wait me here, and we will talk." aniya sa kalmado nyang boses bago ako talikuran.

Pinanuod ko syang maglakad palayo at pumasok sa men rest room. Dahan-dahang bumagsak ang panga ko while the thought hit me.

What was that? Tinalikuran ako kahit sinabi ko sa kanya na gusto ko sya?! 'Yon ang reaksyon nya sa sinabi ko? Naiihi sya? No'ng sinabi ko na gusto ko sya ay wala manlang nagbago sa reaksyon nya.

Hindi manlang bumagsak ang panga nya o 'di kaya ay lumaki ang mga mata dahil gulat. I was expecting that would be his reaction!

Shit! Am I crazy to do this?! Parang napahiya ako sa harapan nya nang piliin nyang mag-banyo kaysa ang pansinin ang sinabi ko.

Suddenly, I just felt something in my chest. Napalunok ako, bumigat ang nararamdaman ko at sa halip na hintayin pa sya ay tumalikod ako at mabilis na nag-lakad palayo.

Hindi talaga ako nag-iisip kahit kailan! Ang gaga ko naman para sabihin 'yon sa harapan nya! Edi ako pa ang tila napahiya ngayon, dahil sa pag-amin ko ay parang wala lang sa kanya. Parang wala pa nga syang pakialam sa sinabi ko!

Padabog akong umupo sa bench at sinipa pa ang maliit na bato. Sumimangot ako at dama ang bigat sa aking dibdib, makikita sa aking mukha ang hapdi at pait.

"Kainis sya," bulong ko na may halong iritasyon kay James at sa sarili ko.

Handa akong aminin agad ang nararamdaman ko dahil nasanay akong diretso kong sinasabi ang mga nararamdaman ko. Walang pag-iisip kong mapapagalitan o mapapa-away, kapag sa tingin kong kailangan kong sabihin ay sasabihin ko.

Bakit ko pa itatago ang isang salita na dapat ay malaman ng iba? Why would I keep words and keep lying to myself and to others if I can directly say it?

Habang may pagkakataon na sabihin ng harap harapan ang tunay na nararamdaman ay gagawin ko. I will be brave enough to do it, to say it. Time isn't always there, tumatakbo ang oras at hindi naibabalik ang pagkakataon. Kaya bakit papatagalin at itatago kung puwede namang sabihin ngayon.

I hate regretting things. Kaya sabi ko sa sarili ko ay kapag gusto kong gawin, gagawin ko. Basta sasaya ako at hindi ako mag-sisisi.

Kaya sinabi ko agad sa kanya the moment I realized I had feelings for him. It took me days and hard time to realize, understand, and confirm this feeling. Tapos gano'n ang reaksyon nya?

Tinalikuran nya ako! Shit! Napahiya ako, naramdaman ko ang hiya sa biglaang pag-amin ko sa kanya. O baka gano'n talaga ang reaksyon nya kasi hindi nya ako gusto? Kasi hindi nya ako tipo?

Nakagat ko ang aking labi at napapikit sabay sandal sa bench at suminghap ng hangin.

Dinama ko ang malamig na hangin at pilit na pinapakalma ang sarili kahit hindi ko magawang mapakalma ang puso ko dahil patuloy ito sa malakas at sa mabilis na pag-tibok.

My Seatmate Is My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon