Chapter 12
Shy
"I don't like cheater's."
Napabuntong hininga ako. Mapait akong ngumiti, hindi ko alam kung bakit ngumingiti ako kahit na nararamdaman ko ang sakit sa puso ko.
"So, you hate her?" tanong pa ni Crystal.
"He didn't like cheater's nga diba? Obvious na hate nya ako. So, why you still asking?" sabay silang nagulat nang tumingin sa akin.
May dumating na kaklase namin at napapatingin sa amin, wondering what is happening.
"Kanina ka pa dyan?" gulat na tanong ni Crystal.
"Sakto lang para marinig ang tanong at sagot nyo sa isa't isa." malamig ang boses ko sa pagkakasabi.
"Sige lang, magpatuloy lang kayo sa paguusap nyo. Alis naman na ako." pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran ko na silang dalawa.
Hindi nagbago ang mga mukha nila. Gulat na gulat parin dahil narinig ko ang usapan nila.
Babalewalain ko na naman sana ang nangyari dahil naisip ko sanay na ako sa ganito. Sanay na akong pag-usapan, titigan na may halong pandidiri dahil nga nakaka-disappoint ako.
Pero ngayon hindi ko na pala kaya. Hindi ko na kaya na balewalain ang lahat dahil naaapektuhan na ako. Kahit ang isang masaya at bibo na taong kagaya ko ay may limitasyon rin. Hindi namin kayang balewalain ang lahat, lalo na ang sakit na nararamdaman namin.
Akala ko kasi no'n kaya ko ihandle lahat. Lalo na ang feelings ko, mga reaksyon ko sa ibang bagay. I thought I can manage it. Pero kahit ang pinakamatibay na pader ay natitibag din.
Sabi ko din kasi sa sarili ko dati dapat ay hindi ko na pansinin ang mga sinasabi sa akin, hindi nila ako kilala. Hindi nila alam ang buong ako, ang lahat ng iniisip nila sa akin ay kalahati do'n hindi totoo, hindi pa sigurado. Ang mahalaga ay masaya lang ako, ang mahalaga ay nag-eenjoy ako, ang mahalaga sa akin ay nabubuhay akong walang kahit na anong bigat na nararamdaman. Kasi inisip kong lahat ng tao ay may masasabi at masasabi, hindi ka man kilala, kilala ka man, o kahit na ang mga taong minsan ay nadadaanan mo lang, lahat sila ay may masasabi dahil gano'n sila, gano'n ang tao. Pupuna at may masasabi lagi.
Pero ngayon hindi ko na kinakaya. Hindi ko kayang balewalain itong lahat. Bumibigat sila, nabibigatan na ako ngayon at naaapektuhan na ang pag-iisip ko.
Hindi na gaya nang dati na walang pakialam, sige papalagpasin ko lang, okay lang 'yon dahil kaya kong ngumiti sa sunod na araw. Dahil bagong araw ay bagong kaganapan.
I didn't hold that much to the past, I moved on and learning.
"Oh, Daniela?" napatingin ako kay Cris na naka-salubong ako.
"Hmm?"
"Teka, saan ka pupunta?" tanong nya at bakas sa kanya ang pagmamadali.
Late na naman ang isang 'to. Pero nagawa pa akong kausapin.
"Cr lang tapos may bibilhin sa canteen. Bilisan mo na, late ka na." sabi ko nalang kaya tumango narin sya.
"Una na ako ha! Bilhan mo din ako ng pagkain!" sigaw nya at kumaway pa sa akin.
Hindi na ako babalik ngayon sa classroom. Hindi ako papasok. Nangako nga akong hindi na mag-cu-cutting pero pasensiya na dahil isa pang pagkakataon na magagawa ko na naman ang pagkakamali na sabi ko ay hindi ko na uulitin.
Dumiretso ako sa rooftop ng aming building at dito na muna napiling tumambay. At least dito ay wala halos aakyat. Walang tao dahil oras na ng klase kaya dito nalang muna ako. Kapag may dumating ay aalis nalang at baka uuwi.
BINABASA MO ANG
My Seatmate Is My Lover
Teen FictionStarted: June 23, 2023 Ended: July 31, 2023 Did you already fell in love with your classmate? Do you already have a crush with your seatmate? Maria Daniela Martinez is a clingy, noisy, and naughty girl in school. She has a rich family and she is one...